Ang saya ng party ni Tita Annabelle Rama, na nagbigay din ng song numbers sina Tita Pilita Corrales (na naki-duet pa ng isang Spanish song with Tito Eddie), Mitch Valdes, Carmen Soriano, Angeline Quinto, Mark Bautista, Tina Paner & Monching Gutierrez, at iba pa.
Touching ang birthday message ni Ruffa Gutierrez sa madir niya na, “Thank you for everything. I must laud you because dalawang anak pa lang na teenagers, nahihirapan na ako being a single mom. What more kaya kami?
“So, if ever meron kaming nagawa sa ‘yo to hurt you, we’re sorry. Not just from me but from everyone. Kaya don’t worry, ayoko nang magkaanak!”
Natatawang buwelta rito ni Tita Annabelle, “Thank you, Ruffa. Dapat nag-sorry ka sa akin 1,000 times. Hindi one time lang. Actually, nagkaroon ako ng stress, sugar at blood pressure because of Ruffa!”
Happy birthday, Tita Annabelle!!
Anak nina Richard-Sarah artista na
Exclusive naming nakatsika ang cutie pie na anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na si Zion sa intimate birthday party ni Tita Annabelle Rama.
In fairness ay may nakuha kaming balita kay bagets dahil kinumpirma nitong kasali siya sa MMFF 2018 movie ng kanyang Daddy Richard.
May tsika kasing ang “Fantastica” ni Vice Ganda ang magiging acting debut ng 5-anyos na si Zion at may mahalagang papel daw ito sa movie.
“Yeah,” ang mabilis na sagot ni bagets nang tanungin namin kung totoong may pelikula na ito at kasama ito sa filmfest movie ng kanyang ama.
Panay ang tango ng ulo at ang tamis ng ngiti ni Zion nang hiritan namin ng, “So, you’re now an artista?”
‘Katuwa ang bagets, na eversince ay palaging behaved ‘pag nakikita namin sa mga party at marunong maki-mingle kahit sa matatanda.
Nang tanungin namin kung anong role niya sa movie, ang nakakatawang sagot ni bagets ay, “I’ve been cursed by the queen. Buti na lang nawala because you love me, thank you!” na mukhang linya niya sa pelikula.
Ha! Ha! Ha!
***
Sinabi namin kay Sarah Lahbati na kinumpirma sa amin ni Zion na kasali ito sa pelikula ni Chard sa MMFF.
Natawa si Sarah at ang dayalog sa amin ay, “Basta, manood kayo. ‘Fantastica’, malapit na malapit na po!” na tila umiiwas sa isyu.
Ito na ba ang simula ng showbiz career ni bagets?
“We’ll see, we’ll see. School pa rin ang priority, siyempre. School pa rin. He’s only 5 years old. Pero ‘yung mga simpleng guesting or TVC, okey ‘yon sa amin.”
Eh ang movies?
“Puwede rin, kung hindi siya mapapagod nang todo-todo, ‘di ba? Kasi, kailangan school pa rin. Hindi siya puyat o pagod.”
Okey, so mapapanood si Zion sa mga sinehan sa darating na Pasko?
“Yes! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Sarah.
Ang misis ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera ay may guest role sa “Fantastica”. Si Sarah ba ay may cameo rin para may SarChard moment din sa movie?
“Surprise! Ha! Ha! Ha!” tawa lang nito sa amin.
***
Nu’ng si Richard ang sabihan namin na may kinonfirm sa amin si Zion about their movie, napangiti si Chard at tipong pa-safe ang sagot.
“Tingnan natin. Sinasama ko lagi (si Zion) sa set, eh.”
So, kasali nga si Zion sa pelikula?
“Malalaman n’yo. Psstt! Quiet! Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Chard.
Bidang-bida na naman si Zion doon sa 66th birthday party ni Tita Annabelle last Friday night sa Conservatory ng The Peninsula Manila.
As usual ay nag-Elvis Presley number sila ng kanyang Lolo Eddie Gutierrez, tapos ay nag-duet pa ng “Fly Me to the Moon”.
Sila ng kanyang Mommy Sarah ay kumanta ng paborito nilang French song na “La Vie En Rose”. Sey ng mga bisita ni Tita Annabelle, meron nang papalit sa trono ni Tito Eddie.