WICKED MOTHER ang tawag kay Tita Annabelle Rama ng mga turistang nagkagulo sa kanya nang minsang nasa airport siya.
Kuwento ni Tita Annabelle, mga foreigner na bagets ang nakita niya na nagtaka siya kung bakit nagkakagulo habang papalapit sa kanya samantalang wala namang artista nu’ng time na ‘yon sa airport.
“Oh my God, the wicked mother is here!” ang narinig niyang dayalog ng mga ito, na napapanood pala siya sa It Takes Gutz To Be A Gutierrez kaya kilala siya.
Taga-Singapore ang mga bagets and they love the show. Hinanap sa kanya ng mga ito si Ruffa and the rest of the family.
Sey ni Tita Annabelle, ang E! ay matagal nang nangungulit sa kanya para sa bagong season ng It Takes Gutz kaya lang ay naging busy kasi sa iba’t ibang bagay ang mga miyembro ng pamilya kaya hindi nila ito agad naasikaso.
***
Si Raymond Gutierrez ay nasa grocery nang lapitan ng isang foreigner para sabihing love nito ang show ng Gutz family.
Taga-Sri Lanka ang nasabing guy, na ang tsika kay Raymond ay ang dami nilang fans sa Sri Lanka dahil malakas doon ang kanilang reality show.

Nakipag-selfie pa kay Mond ang faney na foreigner.
Nu’ng una ay hindi sure ni Mond kung itutuloy pa nila ang 4th season, pero dahil sa mga ganu’ng fans ay na-realize niya na thankful sila for coming up with a new season because maraming tao ang gusto pa silang mapanood.
***
Si Ruffa, kahit saan magpunta sa Asia ay nalalaman niyang maraming nanonood sa It Takes Gutz at nagre-request for new episodes.
Nu’ng minsang nasa Hong Kong si Ruffa ay isang grupo from Ireland ang lumapit sa kanya at kilala siya dahil nanonood ang mga ito ng show.
Na-excite ang mga afam na makita siya, kaya natuwa si Ruffa na tuloy ang show nila sa E!
Madalas kasama ni Ruffing sa mga biyahe niya abroad ang foreigner boyfie niyang si Jordan Mouyal, pero ang sey ni Ruffa, may work o business kasi sila nito kaya gano’n.
Winu-work na rin ba nilang dalawa ang pagkakaroon ng baby?
“Grabe! Hellooo! We’re very wholesome,” pa-girl na reaksyon ni Ruffa.
Totoo bang natanggap na ni Tita Annabelle si Jordan?
“That’s a lie!” mataginting na sagot ni Bisaya.
“Hindi siya (Jordan) kasama sa show, kaya huwag natin siyang pag-usapan,” sambit pa ni Tita Annabelle.
Napapanood ang It Takes Gutz To Be A Gutierrez sa E! sa 27 countries kabilang ang bagong dagdag na China, Japan at South Korea.