
Negative rin ang mga Viva talents. Palakpakan din na may kasamang sigawan for them.
Ang Ms. Pouty Lips at one time, big time beautiful monster na may tsismis dating nag-emotada encarnacion na she can buy a club and the people in it… walang bahid droga sa sistema ni Anne Curtis.
Ang dati ring forever present sa chilling places, ang signficant other ni Nadine Lustre … malinis na malinis ang pagkatao at pagkalalaki ni James Reid.
Ang move na ito from Viva ay isang positibong hakbang na they mean business.
And in their business of creating and making stars na kanilang inaalagaan, it is comforting to know na tama ang values system of the stars under their care.
***
Ang isa sa mga forever It Girls na si Solenn Heussaff… negative ang tunay na down to earth sosi girl.
Under the microscope ang mga nagmamayaman at mayayamang artista kaya itong ginawa si Heussaff, sana, ‘yung ibang It Girls and supermodel types, magkapit-bisig at magpa-drug test din.

Para tapos na with a tandang pandamdam ang mga chikang mula sa mga nagmamalinis na katkatera.
Ang kontrabida for real and for reel, si Baron Geisler. believe it or not… negative!
Sabeehh! May hinamon pa si Geisler na magpa-drug test, ‘di ba? Walang takot ang bruho.
Dapat siguro, ang kalaplapan niyang si Kiko Matos, magpa-drug test din. Tutal, kamukha na ni Matos ‘yung imahe dati of a detergent brand, si Mr. Clean.
Magkaalaman na kung clean din siya.
To celebrate his “cleanliness,” ano pa nga ba blooming… laplapan sila ulit ni Geisler.
Itodo na ang kanilang real men kiss campaign.
Ang minsan na naging subject of malicious talks na kesyo into drugs din, si Claudine Baretto ay superduper negative.
Ang latest kay Baretto, may tell all, version of her truth book itong lalabas soon sa merkado.
Sa nasabing libro, ilang chapters kaya ang devoted sa kanyang sister na si Gretchen?
Ilang pahina kaya ang para kay Rico Yan?
May chapters kaya tungkol sa horrific career move niya that was Iglot?
Naku, dapat may chapters about the ill fated show or else, baka manggalit ang namumutok na biceps ni Wendell Ramos. .
***
DAHIL may malaking kampanya laban sa paggamit ng ipinagbabawal na droga, mukhang ang pagpapa-drug test ang IN thing ngayon sa showbizlandia.
Sa Tinseltown, may mga real at imaginary chika na kesyo this and that artista ay ADIK sa iyo.
Ang katotohanan na ang aktor o aktres ay lulong sa sex, drugs and rock & roll ay hindi far-fetched.
Inaantay na lang na ‘yung iba ay matimbog o mamatay sa overdose para lalong umigting ang kanilang pagiging alamat.
Tama naman na may mga artistang nagpapa-drug test at inilalathala ito.
Ang mga artista mula sa Kamilya Star Magic started and encouraged other to do the same.
Sa roster of talents mula sa Dos na negatibo sa droga, may your tribe increase. Tunay kayong worthy of the public’s adulation and trust.
At sana rin, ipagpatuloy ninyo ang pagbabantay lalo na sa inyong juvenile wards.
***
Ang left and right drug testings, nawa’y hindi ningas cogon.
Sana, it will bring real and positive change and inspiration sa mga taong nasa show business.
Hindi lang taga-showbiz ang into drugs. Kaya lang, since they are celebrities, mas malala ang scrutiny sa kanila.
Triple ang crucifixion at persecution ‘pag napatunayang totoo ang tiktak ng chika.
Madaling sabihin, just say NO and resist the temptation and people offering you a quick fix.
Pero kapag nasa situation ka na, with peer pressure and all, at dahil nangyayari ang mga bagay-bagay in the confines of a private space wherein secrets are supposedly sacred… may ilang artista na go with the flow, charging it to experience.
‘Yung iba, nakaka-hindi after the first try.
‘Yung iba, tuluy-tuloy at hinahanap ang kakaibang sarap na nalalasap.
Sa mga artistang may alam na may kaibigan o kapwa kayo artistang may ginagawang hindi kainaman, kung malapit kayo sa kanila, offer them help.
Pwedeng sound advice. Pwedeng intervention.
May isa lang sa inyo na mag-test positive, WITCH HUNT na agad ang mangyayari at para bang ang mga artista na ang worst at most immoral of all people.
Kung gusto ninyong maging positive influence sa mga kabataan, ang pagiging role models ninyo, hindi lang dapat lip service. Dapat you go out of your way by openly campaigning in your social media accounts to stay away from prohibited drugs.
Mas mainam na walang publicity, visit rehabilitation centers and give time to listen to the woes and resolve of people who are putting an end to their addiction.
Bilang artista, be the catalyst for change.
Huwag kayong mahiya at matakot na pagsabihan ‘yung mga kapwa ninyo artistang alam ninyong lulong na lulong na sa droga.
Minsan, all they need is someone to remind them na hindi sila nag-iisa at may nagmamahal pa rin sa kanila.