Mahigit isang buwan din ang inabot ng honeymoon trip ng mag-asawang sina Anne Curtis at Erwan Heussaff. Sa lahat ng bansa ay napili nilang magbakasyon sa Africa.
Ani Anne sa “It’s Showtime,” talagang sinulit nila ang moment na magkasama dahil bihira umano silang mag-bonding ng asawa dahil sa pagiging busy nila. Kinakantyawan naman siya ng co-host na si Vice Ganda sa mga nangyari sa kanila ng asawa sa Africa.
Dahil honeymoon trip ay nagkaroon pa ng ispekulasyon na buntis ang bida ng “Aurora” at nabuo ito sa Africa. Napansin rin ng mga netizen ang pagiging maingat ng aktres sa mga ikinikilos niya.
Maging ang pagsayaw nito ng pamosong “Itaktak mo” sa “It’s Showtime” ay mapapansin ang pagiging maingat niya.
Komento ng mga netizen sa nasabing video:
“Highly likely. Sobrang ingat eh. Di muna ididivulge hangga’t safe nang ia-announce.”
“Parang buntis nga. Ayaw din sumagot if may nabuo nung honeymoon nila.”
Samantala, ‘di naman lahat ay kumbinsido na buntis siya.
Ani isang netizen, “I don’t think she’s pregnant. She just posted an Insta story where she was doing extreme workouts. And then last weekend she posted an Insta story where she was making a cocktail.”
Well, sana nga ay makabuo na ang mag-asawa.