Anne ‘Di kayang kabugin nina Angel, Liza

Hawak pa rin ni Anne Curtis ang korona bilang reyna ng Instagram. Kahapon ay 11 million na ang kanyang IG followers. Nanatili siyang most ­followed Filipino celebrity.

Bahagi ng post ni Anne sa kanyang IG account (@annecurtissmith), “Woke up to 11 Milli-ANNE followers! Thank you IG family! Here’s to Love you guys! Sending out IG kisses and hugs to each and every one of you!”

Sa Twitter world ay naungusan na siya ni Vice Ganda na may 11.8 followers ­samantalang 11M kay Anne. Puma­ngalawa na lang siya.

Ang mga threat sa pagrereyna ni Anne sa social media at most influential celebrities ay sina Angel Locsin, Liza Soberano, Marian Rivera, Kim Chiu, Yeng Constantino, Kathryn Bernardo, Toni Gonzaga at Erich Gonzales.