Anne hirap sa baby

Gumagawa na sina Anne Curtis at mister na si Erwan Heussaff ng listahan ng baby names na ipapangalan nila sa kanilang paparating na anghel. Aminado siyang nahihirapan daw silang mag-decide kung ano ang ipapangalan sa kanilang baby girl.

“Doon kami nahihirapan. Ang hirap mag-decide ng name. It’s either mayroon kang magugustuhan tapos ‘Ay may ibang taong may gano’n ‘yung pangalan,’” kuwento ni Anne sa “Magandang Buhay”.

Sa tuwing nakakaisip nga raw ng pangalan si Erwan ay nililista nito.

Sobrang excited na si Anne na makita ang kanyang baby. Seven months na ang kanyang tiyan ngayon kaya 2 months na lang at finally ay magiging isa na siyang ganap na mommy.

“Actually ngayon ko lang naiintindihan ‘yung mga sinasabi ng mga mommies na ‘Hindi mo alam ‘yung pinagdaanan ko sa ‘yo.’ Ngayon ko na naiintindihan ‘yon.

“Ang pagbubuntis ay isang change talaga sa lifestyle ng isang babae. Sa katawan, mentally, emotionally, ang daming pagbabago talaga, kaya dapat ma-appreciate talaga ng mga anak ang kanilang mga nanay,” pahayag ng aktres na opisyal nang tinatawag ang sarili bilang momshie.

Sa huli ay naging emosyonal ang aktres nang magbigay ng mensahe sa kanyang baby. Aniya ay hindi na raw siya makapaghintay na ma-hug, ma-kiss, at ma-smell ang kanilang anak.

“We love you very, very much and we can’t wait to meet you,” mensahe niya sa anak.

Kamakailan ay nagpaalam na rin si Anne sa “It’s Showtime” para makapag-focus sa kanyang pagbububuntis at ang guesting niya sa “Magandang Buhay” ang kanyang last TV appearance para naman sa promo ng MMFF movie nila ni Vice Ganda na “The Mall, The Merrier”.

Sakripisyo ni Mariel pinasalamatan ni Robin

“Makulay” ang deskripsyon ni Robin Padilla sa pagpapalaki ng asawang si Mariel Rodriguez sa kanilang mga anak. Binigyan niya ng shout-out ang misis sa kanyang Instagram account bilang pasasalamat sa lahat ng sakripisyo nito bilang ina sa kanilang dalawang anak na babae.

“Ang aking Maria Erlinda Lucille at ang kanyang mga maliliit na anghel si ate Maria Isabella at ang bunso Maria Gabriela.

“Napakakulay ng pagpapalaki ng aking asawa sa kanyang mga Anak sapagkat ang puhunan ay sakripisyo ng sarili nyang oras sa lahat ng bagay, pag aayos, pagkain, pahinga, tulog, pag ihi, pagdumi, pagligo lahat ng para sa kanya isantabi muna dahil umpisa na naman ang pagpapasuso ng sanggol…..” ang bungad ng caption ni Binoe sa larawan ng kanyang mag-iina.

Pinuri rin ni Binoe si Mariel sa pagpapaligaya sa lahat ng mga kasama nila sa bahay nitong Kapaskuhan dahil umuwi raw ang mga ito nang nakangiti.

“Asawa ko Merry Christmas maligayang Pasko sa iyo alam kong pagod na pagod ka na pero naisagawa mo pa rin maiparamdam sa lahat ng mga kasama natin sa bahay at sa ating mga pamilya ang diwa ng pasko ang saya saya nila lahat nong Christmas party maging muslim at Kristiano ay umuwi ng nakangiti at busog Alhamdulillah.

“Maraming salamat din sa mga regalo mo sa amin ng mga anak mo pati sa lahat ng mahal natin sa buhay,” pagpapasalamat ni Binoe sa asawa.

Sinagot naman ito ni Mariel ng “I love you. Thank you.”

ArMaine hiwalay nu’ng Pasko

Hindi naman nakasama si Maine Mendoza sa bakasyon ng pamilya ni Arjo Atayde sa Dubai ngayong Pasko dahil sa Metro Manila Film Festival movie nila ni Vic Sotto na “Mission Unstapabol: The Don Identity”.

Sa mga sinehan nag-Pasko si Maine dahil binisita niya ang mga fan niyang nanood ng “Mission Unstapabol”. Dumalaw siya sa Trinoma, Market, Market at SM Mall of Asia.

For sure ay naintindihan naman ni Arjo kung hindi man nakasama si Maine dahil nagkaroon naman sila ng solo time nang ipagdiwang nila ang kanilang first anniversary. No wonder, itinodo na nila ang selebrasyon dahil magkahiwalay pala sila ngayong Holiday season.