Anne ipinagdamot ang pagbubuntis

tonite-pak-allan-dionesNainlab si Anne Curtis sa buong continent ng Africa after ng one month ‘honeymoon’ nila roon ng mister niyang si Erwan Heussaff.

Sey ni Anne, mahirap pumili ng isang African country lang na gusto niya dahil lahat ng napuntahan nilang bansa roon ay amazing and the people are amazing too.

‘Yung sa Devil’s Pool sa Victoria Falls na may buwis-buhay shot si Anne na para siyang lumilipad sa may tuktok ng falls ay alam daw ni Anne na maraming natakot para sa kanya.

Natatawang pag-amin niya, madaya ‘yung picture na ‘yon dahil ‘yung guide daw nila ay hawak ang mga paa niya sa pic na ‘yon, hindi lang kita sa frame.

Kapag tinatanong tungkol sa pagkakaroon ng baby, ang laging sagot ni Anne ay, “That’s very private.”

Nakangiting dugtong niya, “I think it will happen in God’s time and when it happens, of course, I’m gonna share it with anyone.”

Hirit namin kay Anne, posible kayang may nabuo sa isang buwan nilang pagha-honeymoon na ‘yon ni Erwan sa Africa?

Natatawang sagot niya, “Ano ba naman ‘yon? Super private naman ‘yon. Parang ina-ask mo, ‘di ba? Basta, we enjoyed in Africa.”

After Africa, kung may chance ay gusto ni Anne na mag-Iceland at Antarctica dahil pareho raw silang adventurous ni Erwan.

Bida si Anne sa kakaibang horror movie na “Aurora” na kasali sa MMFF 2018.

Naiiba dahil hindi raw siya ‘yung tipo ng sigaw nang sigaw dito. Very quiet daw ang “Aurora” na elevated horror kung tawagin ni Direk Yam Laranas dahil story-driven at character-driven daw ito.

Pareho silang may MMFF entry ni Vice Ganda, pero normal lang daw ‘yon sa kanila, sabi ni Anne. Last year ay sina Vice at Vhong Navarro ang meron, so wala lang sa kanila ‘yon. Nagtutulu­ngan daw sila sa promo sa “It’s Showtime” at sinasabi nila pareho na manood ng “Aurora” at “Fantastica.”

Hindi rin iniisip ni Anne kung anong magiging ranking ng movie niya sa film fest, ie-enjoy lang niya na may entry siya this year.
Ani Anne, ayaw niyang i-base ang film sa kung magkanong kinita nito. Basta alam daw niya na maganda ang nagawa nilang pelikula at sana ay maraming manood.

Gandang-ganda si Anne sa Batanes kung saan sila nag-shoot ng “Aurora” for 15 days. Siya ang nag-iisang bida ng movie, wala siyang leading man dito.

As in dinala ni Anne ang buong pelikula, kaya para kay Direk Yam ay si Anne ang karapat-dapat magwaging Best Actress sa 2018 MMFF.

Gerald one-sided love affair ni Kim

Nagmarka sa showbiz press ‘yung statement ni Kim Chiu na naranasan na niya ang iba’t ibang klase ng love, kabilang na ang one-sided love.
Parang gustong bawiin ni Kim ang sinabi niya na ‘yon nang usisain siya ng press tungkol dito.
Sey niya, lahat tayo ay nagmahal, nasaktan at ibi­nigay lahat sa ngalan ng pag-ibig.

Feeling namin ay ang first love niyang si Gerald Anderson ang pinatutungkulan ni Kim ng one-sided love affair na ‘yon.
Ibig bang sabihin ay naramdaman niyang hindi siya minahal nu’ng lalaki na ‘yon?

“Hindi, minahal naman, pero sadyang sa pagkakataon, sa tagal, mauuwi sa gano’n,” pakli niya.

So, siya lang ang mas nagmahal nang bongga, ganern?

“Kayo rin. Lahat naman tayo, naka-experience nang gano’n. Para alam natin kung ano ang halaga ng magmahal.”
Ah, so minahal naman siya, pero…

“Lumamang lang ako. Parang sa laro lang ‘yan, may lumalamang, nananalo. Kaso, ‘yung lumamang, natatalo, gano’n,” ngiti ni Kimmy.
Ngayon ba, ganu’n pa rin siya magmahal? Mas lamang siya?

“Siyempre, natuto. Sa experiences naman natin sa love, may natutunan tayo kahit paano, eh. Kung wala, tanga na ‘yon. Sa pelikulang ‘Move On, Tanga!’” natatawang pakli niya.

So, balanse na siya magmahal ngayon?

“Balanse ito. Proper balance, proper diet,” naka-smile pang sambit ni Kim, na bida sa “One Great Love” ng Regal Films katambal sina Dennis Trillo at JC de Vera.

Ayon sa direktor ng nasabing MMFF entry na si Direk Eric Quizon, may laban si Kim sa Best Actress sa “One Great Love”.

Reaksyon ni Kimmy, ma-nominate lang siya ay okey na sa kanya. Ayaw niya raw umasa ng award, gusto niya lang mapanood ng mga tao ang pelikula at masabing iba nga siya rito.