Anne magpapaalam na sa ‘It’s Showtime’

Malapit nang manganak si Anne Curtis kaya magbabakasyon na siya sa “It’s Showtime”.

Kahapon ay nagawa pa niyang mag-promote ng 2019 MMFF movie nila ni Vice Ganda na “The Mall, The Merrier”.

Tapos, ang tweet niya after ay abangan daw ngayong araw na ito ang farewell episode niya sa “It’s Showtime”.

“I’ll be doing an opening number before I officially go on my Maternity leave,” sey ni Anne sa Twitter.

“Ngayon pa lang naiiyak na ako. Hope you guys tune in to what will be a bittersweet episode for me”.

Siguradong iiyak si Anne ngayong tanghali dahil mami-miss niya ang kanyang noontime tropa.

Actually, exempted siya sa mall shows at iba pang promo ng “The Mall, The Merrier” dahil nga preggers siya.

Nu’ng presscon ng movie ay hindi rin nakapunta si Anne dahil ang sabi ni Vice, nagpapahinga si buntis.

In fairness ay hindi pala ipinalaam ni Anne kina Vice na preggy na pala siya nu’ng nagsu-shooting sila kaya clueless ang co-stars niya.

Obvious na excited nang maging mommy si Anne at makita ang kanyang mini me, bilang girl ang magiging panganay nila ng mister niyang si Erwan Heussaff.

Ang dami nang nagbibigay sa kanya ng mga baby stuff gaya ng pang-pump ng gatas at kung anu-ano pa, na excited na raw siyang gamitin.

Xxx

Float ng Mindanao angat sa kalaban

Kabogera si Coco Martin kahapon sa Parade of Stars ng 45th Metro Manila Film Festival dahil dumating siya bilang si Paloma.

As in superheroine ang peg ni Coco sa kanyang makulay na outfit with matching kapa. Girl na girl at ang ganda-ganda ng hitad na Paloma.

May pic pa siyang may hawak na pink na bunny stuffed toy at ang sweet-sweet ng ngiti niya.

All-out talaga ang Kapamilya Primetime King sa pelikula niyang “3Pol Trobol: Huli Ka Balbon” na hindi lang siya artista kundi writer din, producer at direktor.

Kinabog ni Coco maging ang co-stars niyang sina Jennylyn Mercado at Ai Ai delas Alas dahil siya ‘yung naka-dress at long blonde wig, so mas babae pa siya sa dalawa. Ha! Ha! Ha!

Nakakatuwa naman ang rumored girlfriend ni Coco na si Julia Montes dahil todo ang suporta nito kay Coco at sa filmfest movie ng aktor.

Dyowang-dyowa ang peg ni Julia na panay ang promote ng “3Pol Trobol” sa kanyang IG account. Kahapon ay pinost niya ang pic ni Coco as Paloma na naka-female superhero.

Ang daming nagreak sa post niya at ang comment dito ni Julia ay, “Tinalo tayo”, at “Talo na ang mga babae sa ganda”.

Standout ang float ng “Mindanao” na parang bangka na may malaking dragon sa harap na umuusok-usok pa ang bibig.

Kinarir mismo ng premyadong direktor na si Direk Brillante Mendoza ang nasabing float na nagpapakita ng kulturang Muslim, na tinatampok sa pelikula na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.

Fresh from their first anniversary celebration ni Arjo Atayde sa isang beach resort, dumating si Maine Mendoza at sumakay sa float kasama sina Vic Sotto, Pokwang at Jake Cuenca ng “Mission Unstapabol: The Don Identity”.

Mala-rehas ng bilangguan ang float ng “Miracle in Cell No. 7” at tinotoo ng bidang si Aga Muhlach ‘yung sinabi niyang isasama niya ang pamilya niya sa parada.

Ang cute nilang tingnan ng misis niyang si Charlene Gonzalez-Muhlach na sumasayaw-sayaw doon sa float habang kumakaway-kaway naman sa fans ang kambal nilang sina Atasha at Andres.

Katabi ni Vice Ganda sa float ng “The Mall, The Merrier” ang boyfriend niyang si Ion Perez na tagabigay sa kanya ng tuwalya na pamunas niya ng pawis. Hangswit!

PAK!!