Dahil nga umay na umay na ang dabarkads at madlang pipol sa quarantine, ang may access sa internet, libang na libang sa catfish serye ni Sam Morales na trending topic sa Twitter , biglang naging the WHO no more, agad-agad.
Kung isasapelikula ang nasabing dramarama sa Twitter, ang bagay na bagay na maging babaing homophobic, kung totoo nga ang mga satsat, si Anne Curtis.
Sa true, maganda si Anne, may fag hag vibe at kung itatabi sa kanya ang mga tulad nina Francine Garcia, Trixie Maristela, Kevin Balot at ang ibang SuperSiReyna sa “Eat Bulaga,” magagampanan ni Anne Curtis ng walang halong pag-iimbot at buong katapatan ang isang babaing may malaking insecurity, ngitngit at poot sa isang transwoman.
Yung lalaking bukod tanging pinagpala sa lahat, dahil nga powerless siya at hindi niya diumano mahindiian ang nag-utos sa kanyang paibigin ang transwoman, perfect na mai-cast si Marco Gumabao. Maaring mali ang inyong lingkod dahil cosmopolitan ang upbringing at sophisticated ang taste, maaring kayang-kaya ni Gumabao ang maging isang lalaki na sexually fluid at pwedeng manigas ang mga importanteng ugat at malibugan sa isang transwoman.
At kahit sino namang transwoman, kung ang isang tulad ni Marco ang nagpapasakay sa iyo, dinadalaw ka pa sa bahay, may bouquet of flowers at from time to time, diumano ay pinipilit kang makipagtalik, mahirap hindi siya sakyan at manalig ka sa kanyang trip. Nauunawaan ko na pwedeng marupok at malungkot ang transwoman kaya she went for broke itsurang may emote siyang she was catfished.
Dahil nga pelikula ito, ang pagaganapin kong transwoman, totoong babae talaga, si Angelica Panganiban. Sa true, maning-mani kay Panganiban na bigyang buhay ang katauhang isang transwoman dahil mahusay siyang aktres at hindi rin nakakapagdabog ng bangs kung saka-sakaling marahuyo sa kanya ang katauhang gagampanan ni binatang Gumabao.
Pwede ring tunay na transwoman ang gumanap, na perfect sana kung kay Kevin Balot ibigay ang role dahil magandang-maganda siya. Kahit pa nga ang transwoman na may akda sa kuwentong kataka-taka, hindi naman ganoon kaganda. Exotic is the right adjective to describe her looks.
Ang tanong, may susugal nga kayang film company para i-greenlight ang ganitong bizarre love and manipulation story? Sa true, parang super twisted at millennial “Dangerous Liaisons” siya hindi ba naman?
Kim masahol pa sa bakla
Pwede rin sigurong si Kim Chiu ang gumanap na transwoman dahil sa isang old video clip, inamin nito na pag nagmahal pala siya, hindi siya marunong mag-compute, all mine to give ang paghatag ng mga alay at regalo sa kanyang iniirog.
Andiyang nagbigay ng refrigerator , 65-inche television, branded rubber shoes at super pang altang relo, kulang na nga lang pati bahay ng hombre, siya na rin ang bumili.
“Normal” behavior daw ng isang nagmamahal ang mag-alay ng pangkabuhayan package sa isang binatang makisig, ayon iyan sa kupakapanayam kay Chiu. Normal na pala talaga ang binibili ang pagmamahal? Iba rin, huh!
Ang lalaking walang patumangga si Kim sa paggi-give kete give ay si Gerald Anderson. Siyempre pa, naunawaan ko rin si Kimmy sa kanyang pagsamba dahil kasamba-samba at kaluhod-luhod naman si Papa GeGe, hindi ba naman.
Ang gusto kong malaman, matapos magbigay si Chiu ng mga mamahaling bagay-bagay, ano kaya ang pamamaraan ni Anderson para magpasalamat sa dalagang minahal niya nga ba talaga? Paano kaya siyang mag-thankyou, extra-long, extra mile at paulit-ulit?
Eh sa kasintahan ni Kim sa kasalikuyan, magkano na rin kaya ang investment niya lalo na nga’t matagal na rin ang kanilang pambihira at kataka-takang pagmamahalan, hindi ba naman?