Sarap-sarapan si Marco Gumabao sa movie nila ni Anne Curtis na kinunan sa Lisbon, Portugal.

Very leading man na ang dating ni Marco, na in fairness ay bagay kay Anne, na una niyang nakatambal sa MMFF 2018 movie na “Aurora.”

Maiksi lang ang support role ni Marco sa “Aurora,” buti na lang at pinagtambal ulit sila ni Anne sa “Just A Stranger” at mukhang bongga na ang role ni Marco rito bilang partner ni Anne.

May pinost si Anne na shirtless si Marco at litaw ang six-pack abs habang nakapulang shorts lang ito at nakatingin sa kanya sa may balkonahe ng Palacio das Especiaras doon sa Lisbon.

Base sa caption dito ni Anne na, “We’re going to pay for this,” na linya ng karakter niyang si Mae ay obvious na may nangyari sa kanila ni Marco sa eksenang ‘yon.

So, kaabang-abang ang love scene na ‘yon nina Anne at Marco bilang waley silang anumang intimate moment sa filmfest horror movie na kinunan sa Batanes.

Nagawang mag-swimming ni Anne sa beach nang mag-shoot sila sa Praia de Torre.

Ang sexy nu’ng pinost na bikini pic ni Anne na nakaluhod siya sa dalampasigan.

Sa pinost naman ni Marco na beach shot nila ni Anne, ang caption niya ay linya ng karakter niyang si Jekjek na, “Minsan may mga bagay na masyadong maganda, pero minsan mo lang maranasan.”

May happy pic din si Marco with his co-stars na hapon pa lang ay nagwi-wine na sila sa may Belem Tower.

Bumagay kay Marco ang buhok niya at mas hot ang dating niya ngayon. 24-anyos si Marco at 34 si Anne, pero mukhang magkaedad lang sila bilang gandara pa rin ang may asawa nang si Anne.

Sana ay mag-hit ang bagong movie ni Marco bilang floptsina ang mga nauna niyang ginawa sa Viva na “Abay Babes” at “Para sa Broken Hearted.”

Mild hit yata ‘yung “Ulan” movie ni Nadine Lustre na kasama sila ni Carlo Aquino at in fairness ay hit ang “Aurora” nila ni Anne na nag-#3 sa filmfest last year with P107M.

Mukhang may suwerte sa takilya ang tambalan nila ni Anne, so abangan natin kung kikita rin ang “Just A Stranger.”

Tapos na ang shoot nila sa Portugal so balik-‘Pinas na sina Marco at Anne.
***

Mga netizen dismayado kay Coco:

Turned off nga ba kay Coco Martin ang netizens kaya apektado umano ang ratings ng “Ang Probinsyano”?

May balitang laging mainit ang ulo ng aktor sa set ng kanyang long-running primetime serye.

Tapos ay hindi rin bet ng fans ang mga cryptic post niya sa Instagram na obvious namang patungkol sa balitang panganganak ni Julia Montes.
Ang nakikinabang tuloy ay ang katapat na programang “Kara Mia” na in fairness ay tumataas ang ratings.

Sey ng ilang netizens, bukod sa pagod na sila sa kuwento ng “Ang Probinsyano” ay turn off sila sa mga naglalabasan online tungkol sa ugali raw ni Coco.

Pati ‘yung ibang nagtatanggol kay Coco ay tinitira na rin siya ngayon. Kalerks!

Samantala, mas nagiging exciting ang mga ganap sa “Kara Mia” lalo pa’t may isang major character na mamamatay.

Kung bumobongga ang “Kara Mia,” umaariba rin ang kasunod nitong Kapuso epicserye na “Sahaya” kung saan naganap na ang transformation ng bidang karakter ni Bianca Umali.

Masaya ang GMA-7 dahil kinakabog ngayon sa ratings ng “Sahaya” ang katapat nitong “The General’s Daughter.” PAK!!