Anne Curtis
Anne, inggit kay Kuya Kim

BIGO si Anne Curtis na maka-face to face at maka-selfie ang kanyang Korean crush na si Gong Yoo.

Sumama si Anne kay Kuya Kim Atienza na dumalo sa Gong Yoo Live Make A Wish fan conference sa Hong Kong nu’ng Biyernes.

As in nagpaka-faney si Anne at naki-join sa presscon para lang makita ang kanyang super-crush, na kina­baliwan niya mula nang mapanood niya ito sa K-drama na Goblin.

GOBLIN’S BRIDE ang tawag ni Anne sa sarili niya, pero hindi umepek ang beauty niya at ang pagiging big star niya sa ‘Pinas doon sa nasabing event sa Hong Kong.

NGANGA SI ANITA!

Kaya ganu’n na lang ang inggit niya kay Kuya Kim, na hindi lang nakaharap kung ‘di nainterbyu pa ang sikat na Korean idol.

Sa kanyang IG Stories ay gumamit ng crying filter si Anne dahil LUHAAN siya sa pagnanais niyang makadaupang-palad ang crush niya.

Tinanong niya si Kuya Kim kung how does it feel to interview Gong Yoo.

Ang sagot nito, at first ay parang patawa lang, pero ngayon ay fan na raw si Kuya Kim ni Gong Yoo.

“Hu! Hu! Hu! ‘Yung heart ko!” sey ng kuma-cry-cry sa IG Stories na si Anne.

Tapos ay kinunan niya ‘yung video ni Kuya Kim na pinipirmahan ni Gong Yoo ‘yung media pass na ibinigay nito sa kanya bilang souvenir.

Kilig na kilig si Anne sa nasabing video at faney na faney sa pagdayalog ng, “Gong Yoo, I love you!” tapos ay na­patili ito ng, “Kuya Kim, kill me now!” sa tuwa nito.

Ano pa kaya kung naka-face to face niya, naka-selfie at nakausap ang kanyang ultimate crush?

Anong level of kilig kaya ang mararamdaman ni Anne? HIMATAY levels?!

“Hindi man ako nakapag-selfie or interview like Kuya Kim… He got me this naman as a souvenir and made me saling pusa sa presscon.

Gong Yoo Kuya Kim
Gong Yoo, kalokalike ni Kuya Kim!!!

“Kamsahamnida, #GongYoo. I’m officially overly jealous of @kuyakim_atienza.

“Siya ang tunay natin na kalaban, mga girls! Sobrang nakakadurog ng puso ‘yung selfie nila,” caption ni Anne sa pinost niyang pic ng media pass na may autograph ng sikat na bida ng hit movie na Train to Busan.

“Eto na! Walang PhotoShop, walang edit. Me and my kalokalike,” ang caption ni Kuya Kim sa picture nito with Gong Yoo, na may hawak na sumbrero na mukhang bigay niya.

May kiyemeng drama si Kuya Kim na feeling niya, lalo na nang makita niya nang malapitan si Gong Yoo ay magka-lookalike sila nito.

“Napakasinungaling. Hindi po totoo ‘yan!” ang natatawang kontra rito ni Anne.

Nu’ng isang araw ay may pinost na fanart si Anne sa IG na magkasama sila ni Gong Yoo at kino-congratulate niya ito sa pananalo nitong Best Actor sa Baeksang Arts Awards 2017 para sa Goblin.

Hanggang fanart lang pala talaga sila ng 37-anyos na Korean actor dahil hindi natupad ang pinapangarap ni Anne na makapagpapiktyur dito in person.