Isinakatuparan ng Kapamilya actress na si Anne Curtis ang pangarap na kasal ng dalawang couple mula pa sa Camarines Norte.
Masuwerteng nagwagi sina Marlyn at Marlon Bandelaria sa libo-libong entries na dumagsa sa Foundation Dream Machine ng aktres.
Ang qualification ng mag-asawa ay dapat 10 years na silang nagsasama.
Subalit ang lucky couple ay nasa 25 taon na ang relasyon.
Ang kasal ay pinagplanuhan ng mag-asawa kasama ang aktres nitong Enero.
Katulad ng mga bonggang kasal ay mayroon din itong pre-nup shoot. Ginanap ang reception malapit sa Misibis Bay na mayroong floral theme.
Kinagabihan ay mayroon pang bonggang firework display. (Ronaline Avecilla)