Anne, Vice, Ogie nagpasiklaban sa pagbati

Hindi magkamayaw ang sambayanan sa napakalaking tagumpay na tinamo ng ating bansa kahapon at ito ay ang pagbabalik ng Miss Universe crown sa Pilipinas after Pia Wurtzbach in 2015. Our very own Catriona Gray bagged the prestigious title sa 67th Miss Universe pageant na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Siyempre, nagbubunyi ang lahat, lalong-lalo na nga ang mga taga-showbiz. Napakaraming artista ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa kani-kanilang social media account.

Tweet ni Anne Curtis, “She did it!!! She brought the crown back! Congratulations Catriona!!!!!”

Pahayag naman ni Alessandra de Rossi, “Pahiram ng gown ni Miss Philippines please kakausapin ko yung 3 commentators, teeekaaa! Congratulations!!!!! we did it again!! #kapitCatriona.”

Masayang-masaya rin si Ogie Alcasid at tweet niya, “#mabuhayangpilipinas #Catriona4MissUniverse2018 congrats #catriongray we are so proud of you!!!!”
Aliw naman ang pagbati ni Aiza “Ice” Seguerra. Nag-post siya ng picture noong bata pa si Catriona nang sumali sa Little Miss Philippines in 1999 at ang pagkapanalo nito.

Sa caption, aniya, “Nag Little Miss Philippines din naman ako ah…” at nilagyan ng hashtag na “#ibanglandas.”

Bumati rin si Dra. Vicky Belo sa kanyang Twitter account. Tweet niya, “What a way to start the week. The Miss Universe crown is back in the Philippines ! Congratulations to our dearest @catrionaelisa for the best Christmas gift for the whole country. We are…”

Si Vice Ganda naman ay halatang tinutukan ang pageant dahil para siyang nagko-coverage sa kanyang mga tweet. Of course, mula umpisa hanggang katapusan, she was rooting for Catriona at hindi pa man nanalo ang ating kandidata ay positibo na siya tala­gang maiuuwi nito ang korona.

Sa “It’s Showtime” kahapon ng tanghali ay binati ni Vice Ganda si Catriona for winning the crown.

“Dati kapag Miss Universe mga bakla lang ang masaya; ngayon, nakakatuwa buong Pilipinas ay masayang-masaya, tutok na tutok. Kapag hindi ka nakatutok sa Miss Universe parang walang saysay ang buhay mo. Lahat. Mapababae at mapala­laki, ay nagchi-cheer kay Catriona at tu­malon at sumigaw nu’ng ­nana­nalo na siya,” ani Vice.

“Napakagaling mo. You made all of us very proud at ang saya-sa­yang sabihin ngayon na I’m Filipino,” dagdag pa ng Unkabogable Star.

Ang iba pang celebrities na nag-post ng kanilang pagbati ay sina Lani Misalucha, Jed Madela, Chokoleit, Jaya, Marvin Agustin, Angelica Panganiban, Karla Estrada, Jolina Magdangal, Ruffa Gutierrez, Michele Vito, Bianca Gonzales, among others.