Anne at Vice, professional sa INVISIBLE WAR

Anne Curtis

ANG post ni Vice Ganda tungkol sa ikaanim na anibersaryo ng GGV, “6 years na pala ta­yong nagbabaliwan lang sa Gandang Gabi Vice. Nag-iba-iba na kulay ng buhok ko at itsura ko pero anjan pa din kayo. Maraming salamat po! Lets GV some more! #GGV6thAnniversary.”

Kapansin-pansin na kung ikukumpara mo ang anniversary show na ito ni Vice, hindi ito ‘spectacular, spectacular’ ­tulad ng mga nakalipas na pagdiriwang.

Major guest ang megastar Sharon ­Cuneta at may paandar pa siyang dubbing of ABS-CBN melodramas.

Hindi ko lang mas­yadong bet ang parti­cipation of the two sirenas na inilahok para mas maging katawa-tawa ang mga pangyayari.

Nakakapanibago ang ‘kasimplehan,’ sa totoo lang. Wala kasing kembot. Walang payanig.

Walang major-major pasabog.

Kahit game na game si Ate Shawie, parang something was missing sa harutan at ­halakhakan nila.

Does this mean na ‘simplicity is beauty’ na ang mga dramarama at emotada encarnacion sa GGV pagkatapos ng ­anibersaryo nito?

If that is the case, welcome news para maging ‘totoong’ talk show host na si Vice at bawas-bawasan na ang ‘comedy bar humor’ sa programa.

I think it is high time to shift gears dahil as he and the show age, dapat mas maging ‘mature’ at ‘emotionally intelligent’ na rin ang late night talk program.

May PMs na tinanggap ang diva that you love, may nagtataka kung bakit low key ang seleb­rasyon.

May nagtatanong din kung bakit paiba-iba ang timeslot nito lalo na kung may special programs sa ka-Dos.

May nang-uurirat din kung nagtatampo ba ang ‘Di Kagandahang Bisyo dahil dito.

Juice colored! Mga maricones, bakit hindi ang GGV executive producer ang tanungin ninyo?!

Anong malay ko sa mga ganap tungkol sa show nila? Eh kaya ko lang pinanood ito, kasi, guest ang aking paboritong reyna, si Sharon Cuneta.

Sige na, sabihin n’yo na nagmamaganda ako kaya sasagutin ko ang mga tanong.

Wala sigurong pagta­tampo o pagtataka ang ‘Di Kagandahang Bisyo. He is ‘magnanimous in ­victory’ lalo na na’t he is the lone bekibels on the top of the superstar chain.

Sa showbiz, weather-weather lang.

Ngayong mas ­‘simple’ ang kanyang anibersaryo, tama lang na he introspects at together with his artistic and production team, make sure na ‘relevant’ at ‘worth watching’ pa rin ang kanilang late ­Sunday night offering.

Malay mo, malay ko, malay nating lahat, sa susunod na Linggo, si ­Zanjoe Marudo ang guest nito at maglalantudan sila like there is no tomorrow.

Sa true lang, kesa sa mga basketbolistang itinatago niya sa dilim, kung sila ay magiging ‘couple’ at ipapakita sa buong mundo ang tamis at romansa ng kanilang different kind of love… ewan ko na lang kung hindi matuliro ang ­Rosas Pandan Community. Hinog na sina Vice at Zan­joe para pagsaluhan ang isang groovy kind of love.

***

Dahil si Vice ang bukod-tanging diwatang nasa apex of the superstar chain, imposibleng walang gusot ang kanyang rainbow-colored life at ang pinakabagong alingasngas ay sigalot daw nila ni Anne Curtis.

Totoo ba ito, kathang isip o 100% kiyeme ­latik lamang na ­nagmula sa mga katkaterang walang magawa sa mga ­buhay nilang hungkag at walang saysay?

Sakaling may away ang dalawa, eh ano ­naman?

Hindi makakaapekto ang invisible war nila sa kaguluhang nangyayari sa Marawi sa kasalukuyan.

Hindi magbabago ang nais ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre na maging short story writer na sablay ang pagkakalahad sa kuwento.

Hindi rin nito maba­bago ang kaganapan sa travel show ni Sebastian Duterte na sila-­sila lang ang nanonood at may alam na ipinapa­labas na pala.

Sa tunay na buhay, lahat ng relasyon, pagkakaibigan, pangmag-asawa, pang-magulang at anak, pangkapamilya, kapuso at kamag-anak, kahit relasyon ng tao sa kanyang mga alagang aso at pusa, may potensyal na makasakit at makapanakit.

Sa nangyayari kina Vice at Anne, normal na away ‘yan na siempre pa, blown up to major proportions.

Kasi, artista sila. They are larger than all our lives.

Kung maayos nila ito, well and good. It means matatag ang foundation of their friendhip.

Kung hindi, puwede na itong i-charge sa expe­rience at sabihing “some good things never last,” at in public, they put and play a professional front.