Good news sa mga tagahanga ng popular drama na “Descendants of the Sun.”
Isa sa itinuturing na hit tourist attraction sa South Korea ang mga drama locations. So given na ang isa sa memorable location sa DOTS ang isa sa pinapasyalan simula nang ipalabas ito noong 2016.
Ayon sa report ng Section TV, pinag-iisipan daw talaga kung ano ang gagawin sa city of Taebaek in South Korea’s Gangwon province na nag-recreate ng ilang location ng show for a tourist attraction.
Merong statue ng characters nina Song Joong Ki at Song Hye Kyo as kissing pair. At sa naturang city rin, may idinadaos na Taebaek Couple Festival sa loob na ng dalawang taon.
Base rin sa report ng Section TV, sa isang taon daw ay umaabot ng 100,000 ang turista na pumupunta rito, which makes it the biggest tourist attraction in the city.
Nang dahil sa divorce scandal ng Song-Song, ang annual couple festival daw ay nakansela ngayong taong ito. Pero sa kabila ng scandal, marami pa rin daw turista ang nagpupunta.
Ang dahilan daw, hinahabol nila ang tourist spot dahil baka raw biglang tanggalin na rin.
Nakipag-usap naman ang producer sa head ng Tourism and Culture for Taebak na hindi kailangang tanggalin o maapektuhan ang tourist location. Hindi naman daw ito ginawa out of the real romance of Song Joong Ki and Song Hye Kyo but of their characters in the drama.
Sinigurado naman ng head of tourism na wala silang planong tanggalin ang statue at iba pang facilities connected to the drama.
Sa isang banda, may report din ang Section TV na diumano’y tinanggal na ng ama ni Song Joong Ki ang larawan at promotional picture ni Song Hye Kyo sa bahay ng mga ito sa Daejeon.
‘Yung kay Joong Ki raw ay naka-up pero ang kay Hye Kyo ay tinanggal sa araw na nag-anunsiyo ang anak nito na makikipag-divorce na.(Rose Garcia)