Fiesta na naman sa iligal na droga sa ­Malabon.

Nanahimik lang sila pansamantala noong eleksyon lalo na nang nagbanta si Pangulong Duterte sa mga local government official na itatapon sa Manila Bay kung hindi masugpo ang iligal na droga.

Magaling naman ang mayor pati kapulisan.

Walang ingay ang mga drug lord. Walang buy-bust operation ang mga pulis. Walang naitapon matapos magdeklara ang Pangulo.

Pero pagtakatapos ng halalan, namama­yagpag na naman ang mga pasimuno ng pagpapakalat ng iligal na droga.

Bakit nga ba? Dahil ba mayroon nang go signal galing sa utak ng iligal na droga sa lungsod?

Sa ngayon ay kabi-kabila ang hulihan ng iligal na droga sa lungsod ng Pancit Malabon.

Makulay at punom-puno ng sahog ang operasyon ngayon.

Ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) naman ay panay deklara ng drug cleared ang mga ­barangay sa Malabon.

Baka kailangan nilang magsuot ng salamin dahil sobrang labo na ang mga mata nila.

Ito ang listahan ng naibalita na iligal droga sa lungsod.
Para sa kaalaman ng PDEA narito ang listahan ng milyun-mil­yong drug operation sa Malabon base sa mga ulat sa diyaryo, online news at telebisyon.

•Feb. 5, 2020 sa C4 Malabon, P10 million

•Jan. 23, 2020 sa Bgy. Tugatog, P414,800

•Jan. 15, 2020 sa Brgy. Tugatog & Brgy. Tonsuya, Malabon, P165,000

•Dec. 11, 2019 sa Brgy. Longos & Brgy. Concepcion, Malabon,P750,000

•Dec. 10, 2019 sa Arellano St., Brgy ­Concepcion, Malabon, P 185,000

•Nov. 12, 2019
Php 30,000

Brgy. Longos, ­Malabon

•June 1, 2019 sa Brgy. Longos, Malabon, P600,000

•May 24, 2019 sa Brgy. Santolan, Malabon,P1 Billion

Ang lalaking halaga ng nasamsam na mga shabu pero cleared na raw sa illegal drug? Anyare?

At ang tanong ­ganyan ba sila katigas at balewala ang mga banta ng Pangulo?