Inihayag na ng Phili­ppines SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) at mamamahala na RazerTM ang lima sa anim na larong paglalabanan para sa unang pagsasagawa bilang opisyal na regular medal sports na electronic sports o eSports para sa 30th Southeast Asian Games 2019.
Isang malaking katanungan nga lang kung ano ang pupuno sa ikaanim at huling laro na mga paglalabanan.

Una nang siniwalat ng ad-hoc committee na magpapatakbo sa unang sama ng eSports ang tigagalawang la­rong personal computer, sa console at sa mobile.

Rambulan sa PC ang Defense of the Ancient o DOTA 2 at StarCraft II. Magkakasubukan naman sa celffphone ang mahuhusay sa Mobile Legends: Bang Bang at Arena of Valor.

Isa sa pagsasagupaan sa gaming consoles ang Tekken 7 habang ang ikaanim na laro ay patuloy na pinag-uusapan at sumasailalim pa sa ebalwasyon bago ihayag sa hinaharap.

Malaki ang posibilidad na ang ikaanim na laro ay hindi nalalayo sa basketball o NBA at ang nagiging popular na football apps ng FIFA.
Ang anim na laro ang magiging tampok sa SEA Games 2019 kung saan sa unang pagkakataon kabilang ng medal event ito kasama ang mga tradisyunal na sports na ginagamitan ng pisikal na lakas tulad ng athletics at aquatics.

May anim na gold medal ang mapapanalunan na walang premyong pera kundi prestihiyoso na makilala bilang hari ng eSports base ang nakalaan.

“The games are gender inclusive and will be open to teams with both and women,” sabi ni Razer co-founder at CEO Min-Liang Tan. “In the three weeks since we announced eSports as a medal event at SEA Games 2019, we’ve seen a phenomenal level of interest from all segments of the industry, most of all game publishers.”

“The shortlisting of six games in such a short time is evidence that the notion of esports as a legitimate sporting event is no longer a fad. We look forward to having more partners come on board and join us in defining a new ge­neration of sporting heroes for the youth and millennials,” wakas ni Tan.