Ano ang meron sa mga bago na wala ang PECO?

Break a leg by Benjie Alejandro

Hindi na mapipigilan ang pagdating ng Pasko. Sa ugaling Pilipino ang kinagawiang ‘Christmas party’ at palitan ng mga regalo ay isasagawa may dumaan mang unos o bagyo.

Ang Pilipinas ang may pinakamahabang ‘Christmas Season’ – Christmas day, New Year’s Eve at Three Kings – kaya naman ngayon palang, mayaman man o mahirap nagpaplano na kung saan at paano ipagdiriwang ang ‘holidays’.

Kahit sumirit pa ang halaga ng bilihin at mga bayarin tulad sa tubig at kuryente, ang karampot na kita ay pinagkakasya mayroon lang pang-‘noche buena’ at pambayad sa kuryente.

Sa mga lugar na hindi pa naabot ng kur­yente ang mga gasera o lampara ang nagsisilbing ilaw ng mga tahanan sa panahon ng ‘noche buena’.

***

Ngayong kaliwa’t kanan ang mga bagong ‘gadget’ napakahalaga ng suplay ng kuryente.

Saan mang lugar sa bansa, hindi man lahat, ang mga tao ay mayroong ‘cellphone.’ Para magamit ang mga ‘smart phone’ kailangan ng kuryente.

Hangang sa ngayon ang buong Pilipinas ay hindi pa rin ‘fully energized’. Marami pa ring lugar sa bansa ang walang kuryente kaya naman ang role” o bahagi ng mga ‘electric cooperative’ ay napakahalaga.

Hindi matatawaran ang kontribusyon ng mga ‘electric coo­perative’ sa ‘economic development’ ng mga malalayong lugar.

Bagama’t hindi perpekto ang serbisyo, sa kabuuan ay malaki ang ‘kontribusyon’ ng mga ito sa pagsulong at pag-unlad ng isang pamayanan.

Nakakalungkot lamang mabalitaan na may ilang kooperatiba sa halip na suportahan ay ginipit at iniintriga pa. Tulad ng Panay Electric Company o PECO. Kahit ilang dekada na sa industriya hindi pinatawad biniktima pa ng “fake news”.

Ayon kay Engr. Randy Pastolero, AVP-Operations at Com­pliance Head ng PECO, sa kabila ng pagtupad ng kooperatiba sa itinakda ng Energy Regulatory Commission o ERC, naglabasan pa rin ang mga maling impormasyon laban sa koo­peratiba.

***

Lumalabas na mayroon pa lang kakumpetensiya ang PECO na sinasabing dikit umano o konektado sa ilang matataas ng opisyal ng gobyerno at Kongreso. Palibhasa kailangan ng prangkisa pilit ikina­kabit ang naglutangang isyu, maipit lamang ang PECO.

Dahil sa lumalaking pangangailangan sa ‘enerhiya’ ng bansa, lalo na sa mga lugar na makikinabang sa ‘Build, Build, Build Project’ ng gobyerno, ang negosyo sa kuryente ay siguradong apektado.

Ang mga bagong ‘player’ ay nakakuha ng ‘prangkisa’ kahit wala pang ‘track record,’ samantalang ang PECO na itinatag noong pang 1923 hanggang ngayon na­kabitin ang ‘prangkisa’ sa Kongreso.

Anong meron ang mga bagong ‘player’ na wala ang PECO?