Dear Atty. Claire,
Tanong ko lang po, ano pong parusa sa ejectment case. May kaso po kasi kami na gano’n at hindi namin alam ang parusa kasi wala kami pambayad atty. Hoping for a reply.
Thank you po,
Maritoni
Ms. Maritoni,
Alam mo sa sarili ko na mali na ang ginagawa ninyo dahil hindi makatarungan na magpatuloy na manirahan sa bahay ng iba ng hindi nagbabayad ng kaukulang renta.
Tama lamang na magsampa ng kasong ejectment laban sa inyo at ang magiging desisyon rito ay paalisin kayo sa utos ng korte at pagbayarin kayo ng utang sa renta at attorney’s fees na nagastos ng may-ari ng ari-arian para mapaalis kayo ng ligal.
Ang magagawa mo lamang ay makipag-usap sa may-ari at mangako na aalis kayo sa inuupahan at kaunting palugit lamang ang kailangan. Huwag na sana kayo makipaglaban pa dahil alam ninyo na wala na kayong karapatan manatili sa ari-arian.
May mga pagkakataon kasi na may mga kababayan tayo na nanlalamang na lamang o taking advantage sa situwasyon at tumitira sa bahay ng hindi nagbabayad ng anumang renta. Sana ay maisip nila na nakakaperwisyo sila sa may-ari kaya’t ang magandang magawa lamang ay sumang-ayon na umalis na lamang upang ang parehong partido ay hindi na maperwisyo at hindi na umabot sa demandahan.
***
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922 0245 o mag-email sa attoerneyclaire@gmail.com