Finally, may housing loan program na para sa OFWs na inio-offer ng Social Security System (SSS). Pero bago magtalunan sa tuwa ang mga kababayan nating nagtatrabaho sa abroad ay alamin muna ninyo kung kayo ay qualified. Read on.
Ang programa ay tinatawag ng SSS na Direct Housing Loan Facility for OFWs na naglalayon na pondohan ang pagpapatayo o acquisition ng OFWs ng socialized o low-cost housing.
So, kung ang dream house n’yo ay may swimming pool at ang address ay sa Forbes Park o Ayala Alabang Village, eh look elsewhere dahil ang loan facility ng SSS na ito ay hindi para sa inyo.
Mansion ba
Better yet, kung mala-mansion ang nasa isip ninyong bilhin o ipatayo ay magpayaman kayo ng todo sa abroad para hindi kailangang utangin ang ipampopondo sa inyong dream house.
So, ano ba ang qualifications ng OFWs para sa SSS housing loan program?
Kailangan na presently deployed ang OFW na miyembro ng SSS at may inaantabayan na renewal ng contract. Pwede rin ang current SSS member na OFW ay naghihintay na ma-deploy sa bagong trabaho.
Qualified rin ang isang Filipino national na naging immigrant o citizen na ng ibang bansa na nagnanais bumili ng housing unit para sa kanyang pamilya na nasa Pilipinas pa.
Ano ba ang eligibility requirements?
Una, ang borrower ay isang certified na OFW na ang processing ng work documents ay dumaan sa POEA o sa mga embahada natin.
Ikalawa, ang borrower ay voluntary member ng SSS.
Ikatlo, ang borrower ay may hindi bababa sa 36 buwan na kontribusyon at 24 buwan na sunud-sunod na kontribusyon prior sa application.
Ikaapat, ang borrower ay hindi lampas sa edad na 60 taon sa panahon ng loan application at kailangang “insurable”. Ang borrower na may edad na 60 years ay may maximum loan term na limang taon.
Ikalima, walang existing o previous housing loan application ang member at hindi pa rin siya nakakatanggap ng final SSS members’ benefit.
Ikaanim, ang member ay updated sa payment ng kanyang SSS loans.
Follow Me On Twitter @beeslist. Kung may ipinagsisintir, tawag na sa 551-5165 o mag-email sa usapang_ofw@yahoo.com. Remember, masama ang nagkikimkim. Ilabas ninyo ang inyong saloobin, okay?