Isa sa ‘in’ ngayong ­sayaw o exercise ay ang zumba.

Saang dako ka man magpunta ay halos kaliwa’t kanan na rin ang grupo ng mga nagsu-zumba.

‘Ika nga nila’y isa itong fun aerobic workout that mixes in dance moves.

Isa itong exercise fitness program na pinatanyag ng Colombian dancer and choreographer na si Alberto “Beto” Perez noong 1990s.

Hanggang ngayon ay kilala na ang zumba at ­ginagamit na ng marami sa pagpapanatili ng magandang hubog ng kanilang katawan.

Bukod dito ay may ma­laking effect din ito sa kalusugan gaya ng mga ­sumusunod:

Nako-correct nito ang posture at balance. Nailalayo sa mga sakit.

Napapatibay nito ang mga buto at kalamnan, nakakatanggal stress. Nakaka­bawas ng timbang.

Dagdag pogi at ganda points din ang pagsu-zumba.

Nakakadagdag ng mga kaibigan at daan para ma­ging mahusay sa pakikisa­lamuha sa ibang tao.