Sa kabila ng tensyong namamagitan sa Pilipinas at China dahil sa territorial dispute sa West Philippine Sea ay handa pa rin ang China na tulungan ang Pilipinas sa problema sa iligal na droga.

Ito ay matapos na aminin ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na mara­ming ipi­nangakong tulong ang Chin­a sa Pilipina­s kaugnay sa maigting na kampanya kontra iligal na droga.

Hindi rin limitado ayon sa Pangulo sa naunang ipinangakong Chinese go­vernment building na isang drug rehabilitation center sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija ang ipagkakaloob na tulong ng China.

Kaya naman labis ang pasasala­mat ni Pangulong Duterte sa pagiging mapagbigay ng China.

Sa ipinamamalas na kabutihan at pagiging generous ng China sa Pilipina­s sa kabila ng namamayaning tensyon dahil sa pinag-aawayang isla sa South China Sea ay hindi mahirap tanggaping wala itong kapalit.

Dahil mismong ang Pangulong Duterte ang nakikipagnegosasyon sa China ay walang dapat na ikatakot o ipag-alala ang taumbayan lalo pa’t naniniwala kaming hinding-hindi papayagan ng Pangulo na maisahan tayo ng China.

Pero ang Pangulong Duterte lamang ang nakakaalam ng lahat ng ito kaya ang panawagan na lamang natin sa publiko ay maging mapagmasid sa mga kaganapan kaugnay sa gagawing pagtulong ng China sa kampanya kontra iligal na droga ng Pilipinas para matiyak na walang makokompromiso.