Susubukang habulin ng Toronto ang unang 2-0 playoff series lead Martes ng gabi laban sa Washington. Pipilitin namang itabla ng Portland sa tig-isang laro ang series nila ng New Orleans.
Sa isa pang Game 2 ng first-round ay tatangkaing sundan ng Boston ang 113-107 overtime win laban sa Milwaukee.
Hindi pa tumitikim ng 2-0 lead ang Raptors sa playoffs, tanging 1-0 nila noong 2001 Eastern Conference semifinals kontra Philadelphia. Sinikwat ng 76ers ang Game 2 bago isinara ang series sa pitong laro.
Ang No. 3 Trail Blazers pa lang ang highest-seeded team na natatalo, natisod 97-95 noong Sabado.
Dominante si Anthony Davis, mabagal ang umpisa nina Damian Lillard at CJ McCollum, pero muntikan pang makaahon ang Blazers mula 19-point hole. Sinuwerte lang na nakakuha ng defensive plays ang Pelicans mula kay Jrue Holiday sa dulo para kumapit sa panalo.
Pressured daw ang Portland na makabawi, ayon kay Lillard.
“You know, you come in with home court, the first two games on your floor and you lose the first one, and now they’re saying in their locker room we got one, why not go get another one,” aniya. “And our job is to defend the home court.”