Team Standings
(PBA Commissioner’s Cup)
W L
*Rain or Shine 2 0
TNT 2 0
Columbian Dyip 2 1
GlobalPort 2 1
Alaska 1 1
Phoenix 1 1
Meralco 1 1
Ginebra 0 1
*NLEX 0 1
Blackwater 0 4
San Miguel 0 0
Magnolia 0 0

Nagpalit ng coach ang Blackwater, pero hindi pa rin nagawang ibigay ni Bong Ramos ang unang panalo ng Elite.

Mainit ang first two quarters ng Blackwater, pero tumukod sa third hanggang takbuhan ng GlobalPort 117-106 sa Ynares Sports Arena sa Antipolo kagabi.

Pagkatapos masilat sa unang tatlong laro sa PBA Commissioner’s Cup, inalis ng Elite management si Coach Leo Isaac at ipinalit si Ramos na dumating lang noong Lunes at sinimulang pulsuhan ang team kinabukasan.

Sa likod nina Jarrid Famous at Michael Digregorio ay umariba ang Elite sa first two quarters, perpektong 12 for 12 sa line at lumamang ng double-digits bago nakabalik ang Batang Pier para idikit ang iskor sa 64-62 sa break.

Pagbalik, nag-take charge sina Sean Anthony at Malcolm White para ilagay sa unahan ang GlobalPort.

Na-outscore ng Batang Pier ang Elite 35-17 para dumistansiya 97-81 papasok ng fourth. Mula sa fastbreak ang 24 points ng GlobalPort sa period.

“Coach (Pido Jarencio) called me personally in the locker room (sa break) and said I was not being aggressive,” lahad ni Anthony.

Naging mas agresibo nga si Anthony, nilista ang 21 sa kanyang team-high 29 points sa second half mula sa 12 of 21 shooting, nagdagdag pa ng 13 rebounds at eight assists.

Tumapos si White ng 28 points at eight boards, may 26 points, seven assists at six rebounds panapal sa six turnovers si Stanley Pringle. Sa kanyang pagbabalik matapos ang one-game suspension, nagsumite si Mo Tautuaa ng 14 points at 10 rebounds sa GlobalPort.