HINDI na ganu’n ka-active sa showbiz ang kambal na Semerad na sina David at Anthony, pero mabenta pa rin sila sa advertisers.

Nandiyan pa rin ang fans na all-out ang suporta sa kanila lalo na ‘yung mga tumututok sa PBA.

Sa Global Port Batang Pier team si Anthony, at sa San Miguel si David na tuwang-tuwa sa pag-champion nila sa huling conference.

Ini-launch ang magkapatid nu’ng Biyernes bilang endorser ng bagong produkto ng Bargn Farmaceutical Phils. Co. na Euphoria Maxx.

Isang uri ng Sports Nutrition itong Euphoria Maxx na ginagamit ng mga athletes at mga gym enthusiast.

Ginanap ang launch sa Raffles Makati pero na-late ng dating si David dahil nasa victory party ito ng San Miguel.

Sabi ni Anthony, tuwang-tuwa sila at sa kanila ipinagkatiwala nina Nino Bautista at Red Gatus ng Bargn ang pag-endorse ng naturang produkto dahil kailangan nila ito.

“I am just completely overwhelmed. You know, I don’t even hear about Euphoria Maxx and I knew I am missing something, I needed extra energy, something to push me and get me into that next goal of mine.

“And when Euphoria Maxx came into my life, I could achieve that. That’s why I’m very happy,” bulalas ni Anthony Semerad.

Curious siya nu’ng una dahil akala niya eh parang steroids ito at baka may side effects, pero hindi pala at na-enjoy niya ito bilang supplements bago siya maglaro o pumunta ng gym.

Sa naturang launch ay ipinakita ni Anthony ang maganda niyang katawan na delicious, kaya inintriga na rin namin doon sa launch kung paano niya ma-handle ang indecent proposals kung meron mang dumarating sa kanya.

“You know, I don’t pay attention to it. I just keep my head down, focus on what I need to do and play the game,” pakli ni Anthony.

Matagal nang naintriga ang teammate niya sa Global Port na si Terrence Romeo, kaya natanong na rin namin kung paano nila na-handle ang mga ganu’ng intriga.

“I’m very close with him, but you know I don’t even know what happened or anything happened. I just focus on my own thing and work, I need to get down,” safe na sagot ni Anthony.

Aware din siya na naiintriga rin ang mundo ng basketball, pero mas maintriga sa showbiz, kaya mukhang malabo nang balikan pa nila ni David ang pag-aartista.

Dagdag niyang pahayag, “The problem is my time management, being an athlete, not having enough rest.

“But definitely when I retire, I would definitely like to have some type of healthy TV show, something to do with healthy lifestyle… that’s my goal one day.”

Passion niya ang paglalaro ng basketball kaya doon niya gustong makilala at masaya na siyang dito manirahan at magka-career sa Pilipinas. Baka pabaka-bakasyon na lang sila ni David sa Australia.