Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na rebyuhin ang kanilang anti-drug war operation.
Sa harap na rin ito ng obserbasyon ng Pangulo na maraming pulis ang nasasabit sa kampanya kontra droga.
Kinuwestiyon ng Pangulo ang aniya ay iligal na pamamaraan ng mga pulis sa pagpatay sa mga suspek sa droga.
Aminado ang Pangulo na hindi na niya alam ang gagawin sa mga pulis na sangkot sa iligal na pagpatay.
“Kaya ang mga pulis, mga military, kindly re-assess the– marami kasi of late ang mga pulis na nasabit. Why do you have to kill them illegally? You can always corner them, find out if they are– or they have committed the act of trafficking. And if they resist violently, you are free to kill them,” anang Pangulo.
Gayunman, nilinaw ni Pangulong Duterte na hindi titigil ang pamahalaan sa halip ay tuloy pa rin ang kampanya kontra iligal na droga.
Sinabi ng Pangulo na hangga’t nakaupo siya sa puwesto, hindi titigil ang mga operasyon ng mga awtoridad laban sa mga nasa likod ng pagpapakalat ng iligal na droga sa bansa.