Ito ang buwelta ni Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III sa opposition congressmen na naghain ng petisyon sa Korte Suprema upang kuwestiyunin ang pagdeklara ng Martial Law ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Sotto, mali para sabihin walang batayan ang Martial Law declaration dahil maging ang mga bansa sa Asya ay aminado ng may nakapasok na sa bansa na ISIS.

“Well, obviously they are wrong. Even other Asian countries admit there are Daesh operatives in the Philippines. Anti-Duterte lang sila, it’s as simple as that,” ayon kay Sotto.

Naninindigan naman si Senador Francis ‘Chiz’ Escudero na may sapat na basehan ang pagdeklara ng Martial Law.

Habang kinikilala naman ng senador ang karapatan ng grupo ng mga kongresista para kuwestiyunin ito sa Korte Suprema.

“That’s their right and prerogative but it seems quite obvious, based on media reports alone, that there is an ongoing rebellion in Marawi,” ayon kay Escudero.

Kabilang sina Sotto at Escudero na lumagda sa resolusyon na nagpahayag ng pagsuporta sa idineklarang Martial Law ng Pangulo at walang dahilan upang ipawalang saysay ito ng kongreso.