Anti-dynasty ipatutupad sa SK elections — Comelec

Mahigpit na ipatutupad ng Commission on Elections (Comelec) ang anti-political dynasty provision ng Sangguniang Kabataan (SK) Reform Act of 2015 para sa nalalapit na SK Elections sa Oktubre 31.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, sasalain nilang mabuti ang mga kandidato sa SK at tatanungin kung may kamag-anak sila na nasa gobyerno.

Panunumpain rin sila sa abogado para matiyak na hindi sila nagsisinungaling na may kamag-anak na kandidato.