Ratipikasyon na lang ng dalawang Kapulungan ng Kongreso at pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para mapatawan ng mabigat na parusa, hindi lamang ang mga tauhan ng mga ospital kundi mga may-ari ng mga pagamutan na tumatangging tumanggap ng pasyente na hindi nagdedeposito muna.
Ito ay matapos magkasundo ang mga kongresista at senador sa Bicameral Conference committee na aprubahan na ang nasabing panukala para tuluyan nang matapos ang gawain ng ilang pagamutan na tumatangging tumanggap ng pasyente na walang pera.
Sa ilalim ng nasabing panukala, sinuman sa mga opisyal, medical practitioner o kaya empleyado ng isang pagamutan na tatangging tanggapin ang isang pasyente sa oras ng emergency dahil walang deposito ay maaaring makulong mula anim (6) na buwan hanggang dalawang taon at apat na buwan.
Bukod dito ang P20,000 hanggang P300,000 depende sa bigat ng kaso ng pasyente na kanilang tinanggihang bigyan ng medical attention sa oras ng emergency tulad ng panganganak, ang ipapataw na multa ay P500,000 hanggang P1 million damage na ibabayad ng mga ito sa pasyente.
Mas mabigat na parusa naman ang ipapataw sa ospital kapag namatay ang pasyente na tinanggihan ng mga ito.
paano naman kapag tinanggap ng ospital at di makalabas kc walang pambayad? magkano naman ang multa ng pasyente? kc may mga abusado ring pasyente, na ayaw talaga magbayad. at yung sa govt hospital, kamusta naman ang sebisyo nyo sa pasyente. di ba tumatanggi din kayo sa mga emergency case?
Aba’y itanong mo doon sa gumawa ng panukalang batas at huwag sa akin!