Kinwestyon ni Buhay Party-list Rep. Senior Deputy Minority Leader Lito Atienza ang patuloy na pagbibigay ng Department of Health (DOH) ng anti-tetanus vaccine sa mga kababaihang may edad 14 hanggang 44 gayong napatunayan umano sa pag-aaral na nakakabaog ang bakunang ito.

Sa naganap na budget briefing ng DOH sa Kamara, sinabi ni Atienza na bakit mga kababaihan lamang ang kasama sa anti-tetanus vaccination program ng DOH gayong mas lantad umano sa tetanu ang mga kalalakihan lalo na ang mga mangingisda at mga trabahador subalit hindi kasali sa programa.

Sinabi pa ni Atienza kay Health Secretary Paulyn Ubial na hindi kaya sa loob ng 20 taon ay target ng anti tetanus vaccination program ng DOH ang mga kababaihan na nasa reproductive age ay bilang pakikipagsabwatan ng ahesya sa World Health Organization (WHO).

One Response