May bago ng bagong obispo ang Diocese ng Antipolo, kasunod ng pagtanggap ni Pope Francis sa pagreretiro ni Bishop Gabriel Reyes, na nasa retirement age na 75 noong nakaraang buwan.

Inihayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)  na itinalaga bilang bagong Antipolo Bishop Francisco de Leon.

Nabatid na si De Leon, 69, ay unang itinalaga bilang Coadjutor bishop ng Antipolo noong Nobyembre 2015, bago tuluyang palitan si Reyes, na 13 nagsilbi sa naturang diocese.

Nailuklok siya sa pwesto sa isang installation rites na pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippine­s, Archbishop Giuseppe Pinto, dakong alas-nuwebe ng umaga sa Antipolo Cathedral kahapon.

Ang mahalagang okasyon ay dinaluhan nina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at iba pang miyembro ng CBCP.

One Response