Masisilayan ang matitikas na panabong at sikat na breeders sa bansa paglarga ng World Slasher-1 Cup 9-Cock Invitational Derby sa Smart Araneta Coliseum.
Tiyak na magagandang sultada ang mapapaanood sa siyam na araw na kompetisyon kung saan ay idedepensa ni sabong Idol Patrick Antonio ang kanyang korona.

 

Muling iwawagayway ni Antonio ang kanyang Sagupaan entries, ibabangga nito ang mga pambatong Boston Sweater para makuha ang pangwalong WSC titles.

 

Dumating na sa bansa ang mga foreign participant na sina Marty Bently ng Ohio, Erik Rosales, Robert Dominguez at Bruce Brown ng California, Butch Cambra ng Hawaii, Nathan Jumper ng Mississipi, Tim Fitzgerald ng Utah, Bobby Fairchild ng Kentucky, Brent Douglas ng Black Bonanza fame at Ernest Atkins ng Tennessee.
Markado sa laban  sina WSC-2 champion Rey Briones at mga da­ting kampeon na sina Frank Berin, Escolin Brothers, Gary Tesorero at Magno Lim.
Inaasahang sasali ang ibang mga tiga­sing mananabong tulad nina Joey Sy, Ed Ochoa, Boy Marzo, Rikki Reyes, Jun Sevilla, Mel “Man Fighter” Lim, James Uy, Vic Lacsao, Jun Sevilla, Eddie Araneta at ang Queen of Sabong na si Ms. Osang Dela Cruz.
Ikakasa ang three-day 2-cock Eliminations sa Enero 28-30, habang magsisimula ang 3-cock semis sa Enero 31 hanggang Pebrero 2.
Ilalarga ang 4-cock Pre-Finals sa Pebrero 3-4 at sa Pebrero 6 ang 4-cock Grand Finals on February 6.
Posibleng magkakaroon ng one-day break bago ang Grand Finals, depende sa dami ng mga sasali.