Apat na teams magkakaldagan sa The Arena

Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
10:00 a.m. — San Beda vs. NCBA (S Turf)
12:00 noon — Perpetual vs. NU (S Turf)
4:00 p.m. — FEU vs. San Sebastian (V-League)
6:00 p.m. — Ateneo vs. UP (V-League)

Balyahan ang apat na teams para palakasin ang tsansa sa semifinals ng Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference sa The Arena sa San Juan mamaya.

Lalagutin ng FEU at San Sebastian ang pagkakabuhol sa 2-1 sa ­unang laro, laglagan­ din ang parehong 1-1 na Ateneo at UP sa main game.

Kasama ng nangungunang NU (3-1), nag-aagawan ang limang teams sa top four may tatlong playdates pang natitira sa quarterfinals ng midseason conference ng liga­ na hatid ng Shakey’s at suportado ng Mikasa at Accel.

Muling pangungu­nahan ni Grethcel Soltones ang atake ng Lady Stags. Galing sa trangkaso si Soltones per­o nagpa­kawala pa rin ng 23 hits nang sipain ng Baste sa kontensiyon ang UST Tigresses noong ­Miyerkules.

Ibabawi nina veterans Toni Rose Basas, Remy Joy Palma at Bernadeth Pons ang FEU sa natikmang unang talo sa NU.