Apayao SB secretary nilikida

Namatay ang isang Sangguniang Bayan Secretary ng Luna, Apayao matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin na nakasakay sa motorsiklo habang nagla­lakad ang biktima kasama ang biyenan nito kamakalawa ng gabi sa Luna, Apayao.

Blangko pa rin ang mga awtoridad sa motibo sa pagpaslang sa biktimang nakilalang si Epifania Vargas Cayetano nasa hustong gulang at nagtatrabaho bilang sekretarya ng Sangguniang Bayan dito.

Nagtamo ng tama ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril sa kilikili si Cayetano na siya umanong dahilan ng agaran nitong kamata­yan masuwerte namang nadaplisan ang kanyang biyenan na ngayon ay nakalabas na sa pagamutan.