Apela ng Laguna LGU: Piliin lang ilagay sa MECQ

Umapela ang Laguna local government unit (LGU) sa pagkakasama nito sa listahan ng mga lugar na sasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ngayong umiiral ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Dr. Eduardo Janairo, Department of Health Region IV-A director irerekomenda nito na tanging ilang bahagi lang ng lalawigan ang ilagay sa ilalim ng MECQ.

Aniya, karamihan sa mga kaso ng COVID-19 sa Laguna may matatagpuan sa una at pangalawang distrito nito, habang ang ikatlo at ikaapat naman ay maaari nang ikonsidera bilang low-risk area.

Bukod sa Laguna, sinailalim rin sa MECQ ang National Capital Region at Cebu City, na magsisimula sa Mayo 16 hanggang 31.