Apinan dinaganan ang GenSan

Sinaniban si Jeckster Apinan sa overtime nang maipasok ang importanteng buzzer-beating layup upang isalba ang Makati-Super Crunch kontra GenSan- Burlington, 91-90, sa 3rd Chooks-to-Go MPBL Lakan Cup 2019-2020 sa Alonte Sports Arena, Biñan.

Kumolekta ng 29 puntos ang former JRU star, tampok 10 puntos sa extra period kasama pa ang 13 rebounds, 5 assists, 2 steals at 1 block para bigyan ang koponan ng 22-8 kartada bago matapos ang 2 round eliminations.

“Jeckster is one of the leaders of the team. He’s been a very good offensive and defensive player. A good attitude on and off the court,” suma ni Makati coach Ruel Acot.

Tumulong rin sa Makati si Mikey Williams na may 21 markers at 7 feeds habang si Cedric Ablaza ay mayrron ding 21 pts., 7 caroms, 3 dimes at 2 blocks na para hilain ang kalaban pababa sa 16-12 palapit sa playoffs.

Hindi naman naging sapat ang double-double 13 points at 17 rebounds ni Robby Celiz sa Minadanao-based squad.

Ang iskor:
Makati-Super Crunch 91 – Apinan 29, Ablaza 21, Baloria 12, Villanueva 9, Lingganay 6, Cruz 5, Importante 4, Sedurifa 3, Atkins 2, Cayanan 0, Manlangit 0.

GenSan-Burlington 90 – Williams 21, Raymundo 13, Celiz 13, Mahaling 12, Masaglang 12, Goloran 9, Orbeta 3, Bautista 3, Cabanag 2, Baltazar 2, Cinco 0, Landicho 0.

Quarters: 18-17, 36-37, 57-59, 79-79, 91-90. ­(Aivan Episcope)