Totoo nga kayang may relasyon sina KC Concepcion at apl.de.ap?

Maugong ang chika na si KC na raw ngayon at si Allan Pineda Lindo ng grupong Black Eyed Peas.

Kaya raw dumalaw si KC sa pinagdausan ng SEA Games kamakailan dahil nandu’n si Apl, na isa sa mga napiling mag-perform sa event.

Ito kaya ang ‘personal reasons’ na sinasabi ni KC sa kanyang IG post kaya hindi siya nakapunta nu’ng Linggo sa “ASAP Natin ‘To” kung saan nag-celebrate ng 54th birthday ang kanyang Megastar mom na si Sharon Cuneta?

Napansin ng netizens na tila parinig kay KC ‘yung hirit ni Sharon sa “ASAP” na ang alam niya ay apat ang anak niya.

Wala kasi sa show ang panganay niyang si KC para sorpresahin siya, ang nandu’n lang ay sina Frankie, Miel at Miguel.

Pinuna rin ng fans ang linya ni KC sa post niya na, “If I fail, I’m only human and I’m sorry,” dahil parang defensive daw ang dating nito.

Halata raw na may tampuhan ang mag-ina dahil hindi na raw kailangan pang sabihin ni KC ‘yon.

Well, medyo malayo si apl.de.ap sa mga tipo ng lalaking naugnay kay KC noon. We wonder kung anong reaksyon ni Sharon tungkol dito.

Kunsabagay ay 34-anyos na si KC at matanda na siya para magdesisyon sa sarili niya. Kung anumang klase ng lalaki ang bet niya ngayon sa buhay niya ay choice na niya ‘yon.

Naka-disable ang comments section sa birthday post ni KC for her mom. Baka hindi niya type makabasa ng kung anu-anong komento.

At saka posibleng mag-comment si Mega sa mismong post niya na ‘yon, so baka gusto na lang umiwas ni KC.

In fairness ay walang post sina KC at Apl sa social media na magkasama sila or anything like that, kaya may mga nagugulat kung bakit sila nali-link.

Oh well, wait na lang natin kung meron ngang romansang KC-Apl na magaganap this 2020…

PAK!!

Ogie, Paulo, Cat umayuda sa Australia

Sobrang ikinatuwa ni Catriona Gray nang umulan sa Australia, na sinasalanta ngayon ng kalunos-lunos na bushfires.

Isa si Cat sa mga apektado sa matinding environmental crisis na nararanasan ng Australia dahil doon siya pinanganak, sa Cairns sa Queensland.

Humihingi siya ng dasal at tulong para sa Oz, na ngayon ay nasa state of emergency dahil sa nagaganap na malawakang sunog kung saan milyon-milyong hayop na ang namamatay at libo-libong pamilya na ang nawalan ng tahanan.

Pinost ni Catriona kung paano makakatulong sa nasabing krisis sa pamamagitan ng pagdo-donate.

Suportado ito ni Ogie Alcasid, na ang dating misis na si Michelle Van Eimeren at bunso nilang si Sarah ay nandu’n sa Australia.

Apektado rin ang panganay nina Ogie at Michelle na si Leila, na nag-post ng GoFundMe page sa kanyang IG Stories na puwedeng padalhan ng donasyon.

Sabi ni Leila, ‘yon ay bilang suporta sa lugar kung saan siya lumaki na “Currently, families (including mine) are packing and preparing for if/when the fires pass through our town.”

Ang Aussie girlfriend ni Paulo Avelino na si Jodie Tarasek ay nagla-livestream at nagpa-fundraiser para sa koala crisis na dinulot ng nasabing catastrophe.

Kaya ganu’n na lang ang pasasalamat nina Paulo at Jodie kay Joshua Garcia na nag-donate ng 500 AUD sa Australian bushfires.

PAK!!