Apo gustong ampunin

Dear Atty. Claire:

Itatanong ko lang po kung ano o paano ang proseso ng pag-aampon?

May apo akong lalaki na siyam na taong gulang na at hiwalay ang kanyang mga magulang.

Anak ko ang tatay ng bata at hindi naman kasal ang mga magulang ng apo ko.
May pag-asa po bang maampon ko ang bata? Ano ba ang dapat kong gawin?

Maraming salamat Attorney.

Mario

Dear Lolo Mario:

Malaki naman po ang tsansa na payagan at mabigyan ng pabor ang balak ninyong ampunin nang ligal ang inyong apo. Ngunit dapat may pahintulot o pagsang-ayon ng kanyang mga magulang ang pag-ampon sa kanilang anak.

Ito po ang mga kinakailangang gawin bago kayo bigyang pabor ng korte sa inyong petition for adoption:

a. Ang mag-aampon ay dapat nasa hustong gulang (legal age);
b. Ang mag-aampon ay dapat na 16 years older sa kanyang aampunin maliban lamang kung sariling anak niya ito (referring to one’s illegitimate child);
c. Ang mag-aampon ay may kapasidad na gampanan ang tungkilin ng pagiging magulang (aalamin ng korte kung ang mag-aampon ay may sapat pang lakas at kakayanan upang gawin ang mga obligasyon ng isang magulang kaya pati ang edad at financial capacity ay aaralin ng korte kung sapat ba upang ma-sustain ang pangangailangan ng bata);
d. May good moral character at hindi na convict ng korte sa kasong may kinalaman sa usaping moral (moral turpitude;
e. May kakayahang magbigay ng support, turuan at pag-aralin at magbigay ng pag-aaruga sa kanyang mga lehitimo at ilehitimong anak at sa batang kanyang aampunin.

Kailangan din na magbigay ng pahintulot o pagsang-ayon ang mga sumusunod:

(a) The adoptee, if ten (10) years of age or over;
(b) The biological parent(s) of the child, if known, or the legal guardian, or the proper government instrumentality which has legal custody of the child;
(c) The legitimate and adopted sons/daughters, ten (10) years of age or over, of the adopter(s) and adoptee, if any;
(d) The illegitimate sons/daughters, ten (10) years of age or over, of the adopter, if living with said adopter and the latters souse, if any;
(e) The spouse, if any, of the person adopting or to be adop­ted.
Kung may anak ka­yong iba, lehitimo o ilehitimo man, ay dapat na sumang-ayon din sila kung ang mga edad nila ay 10-taong gulang pataas.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 84107624/ 89220245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.