Appointment paper ni Faeldon inilabas na ng Palasyo

Inilabas na ng Malacañang ang appointment paper ni da­ting Bureau of Customs (BOC) Chief Nicanor Faeldon bilang director general ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ang dokumento ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes, Nobyembre 19, 2018.

Si Faeldon ang sasalo sa binakanteng puwesto ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Ronald “Bato” dela Rosa.

Matatandaang pinuna ng pamunuan ng Department of Justice (DOJ) ang hindi pagpasok sa bagong trabaho ni Faeldon sa BuCor.

Pero ikinatwiran ng opisyal na wala pa ­siyang appointment paper na pinangha­hawakan kaya hindi pa siya makapagsimula sa bagong trabaho.

Si Faeldon ay ilang beses na ipinagtanggol ng Pangulo sa kontro­bersiya sa BOC dahil sa paniwalang hindi ito tiwali kahit pa nalusutan ito ng malaking bulto ng shabu noong siya pa ang hepe ng ahensiya. ­