APSF ang bahala sa Asean Para Games

Wala sa mga kamay ng Philippine Paralympic Committee (PPC), kundi nasa ASEAN Para Sports Federation (APSF) kung itutuloy pa o tuluyang kakanselahin na lang sa taong ito ang dalawang beses nang naiurong na 10th ASEAN Para Games (APG) 2019 sa bansa.

Ito ang naging katugunan ni PPC president Michael Barredo sa anunsyo kamakalawa ng Philippine Sports Commission (PSC) na kan selado na ang lahat ng sports events hanggang Disyembre ng taon kasabay sa pagtigil ng ahens-iya sa pinansiyal na tulong para sa 11-nation, weeklong sportsfest.

“We will working closely with the PSC and other government entities in monitoring the impact of the COVID-19 on the para-athletes and the hosting of the 10th APG,” anang opisyal.

Hinirit niyang masakit para sa local at ASEAN para-athletes kung makakansela ang event lalo’t nag-training at nagsakripisyo ang mga ito para sa kani-kanilang bansa kahit ang kalusugan, kaligtasan, coaches, miyembro ng team at mga pamilya ang pangunahing mahalaga. Naiindihan din nila ang kalagayan ng mundo na mahirap para sa lahat, kaya dapat munang ilagay back seat ang sports upang matugunan ang isyu.

Sa kabuuan, hindi rin aniya kakayanin ng PPC ang pagdaraos ng APG na walang suporta sa gobyerno. Pararatingin niya ito sa APSF at ang Board of Governors nito ang magdedesisyon sa kapalaran ng paligsahan.

“We will continue to monitor the situation and adjust to government directives. Our hearts and prayers go to our local and ASEAN para-athletes and the entire Paralympic community, and those who have toiled and labored for the past two years such as our stakeholders, sponsors, business groups, sports advocates, office workers, administrative staff, and countless volunteers who have committed to make the APG a lifelong experience for all of us. We shall continue to develop Para Sports and further the Paralympic Movement,” litanya oa ng former Philippine Sports Association for Differently-Abled Athletes (Philspada) prexy.

Pinanapos niyang ipagpatuloy ng Pinoy para-atheletes ang paghahanda sa kaisipan at katawan sa kasagsagan ng pandemic outbreak, hindi magpapabaya sa mithiin, mananalig at magiging positibo pa rin sa mga gagawin. (RDC)