Mariing itinanggi ni Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan na may kinalaman ang nagdaang administrasyon sa kontrobersyal na komersyal ng Pilipinas na sinasabing kinopya sa komersyal ng South Africa.

Binanggit ito ni Pangilinan dahil sa insinuwasyon ni Department of Tourism (DOT) spokesperson, Assistant Secretary Frederick Alegre na inako lamang nila ang P650 milyong budget na ­inaprobahan ng nagdaang administrasyon sa ­McCann worldwide group.

Ayon sa senador, kahit totoo na minana lamang ng DOT ang P650 milyong kontrata sa McCann, wala namang kinalaman ang dating administrasyon sa paggawa ng komersyal tungkol sa isang bulag na Japanese na napiling magretiro sa Pilipinas.

Ang nasabing komersyal na pinalabas noong June 12, Independence Day, ay lumikha ng ingay sa social media dahil kinopya lang umano ito sa tourism ads ng South Africa tungkol din sa isang bulag na retiree.

“Maaaring dating kontrata ‘yun pero hindi ang dating administrasyon ang nag-aproba nu’ng kontrobersyal na ad,” diin ni Pangilinan, pangulo ng opposition party na Liberal Party (LP).

2 Responses

  1. Itong Wanda woman, wala nang ginawang matino sa DOT, kung alam mo sa sarili mo na wala kang silbe dyan…layas na…mas marami ang mas karapat-dapat sa posisyon na iyan….ginanap na ang Ms. U, sa pinas, wala pa rin naitulong….nangopya ka na seplang pa…bwahahahaah…