NO comment si Ara Mina sa napapabalitang hiwalayan ng kanyang kapatid na si Cristine Reyes at si Ali Khatibi.
Sey ni Ara sa presscon ng PHR Presents Araw Gabi, ayaw niyang makialam.
Normal naman daw sa mag-asawa ang may pinagdadaanan.
Ingat na ingat si Ara sa isyung ito dahil ayaw niyang pangunahan ang kapatid kung ano man ang sasabihin.
Ayaw rin niyang pagsimulan ito ng pag-aaway nila. Baka nga naman magalit pa si Cristine kung sasawsaw siya chism na hiwalayan blues.
Sina Cristine at Ali na lang daw ang tanungin kung ano ang ikalilinaw ng isyung ito.
Oo nga naman!
Summer paandar ng FBOIS
MAHIGIT tatlong dekada na ang lumipas matapos maipalabas ng Viva Films ang Bagets noong 1984 na nagmarka sa larangan ng pelikula para sa mga kabataan. Gayunpaman, ang mga tema tulad ng pagiging adventurous ng mga kabataan, ang kagustuhang manatiling totoo sa sarili at magkaroon ng sense of belongingness, ang hindi bumigay sa harap ng mga pagsubok sa pag-aaral, relasyon, at pamilya, at ang katuwaan maranasan, ang mga ito kasama ng mga tunay na kaibigan – lahat ng temang nabanggit ay makakabuo ng isang makatuturang pelikula. Kaya naman handog ng Viva Films ngayong summer ang pelikulang Squad Goals mula sa multi-awarded filmmaker na si Mark Meily.
Ito ay pinagbibidahan nina Julian Trono, Vitto Marquez, Andrew Muhlach, Dan Huschka, at Jack Reid bilang mga college students na naging magkakaibigan sa gitna ng mga kaguluhan na pwedeng magpatalsik sa kanila sa paaralan.
Si Vitto ay anak nina Joey Marquez at Alma Moreno. Si Andrew ay kapatid ng original Bagets superstar na si Aga Muhlach.
Sa pelikulang ito, nais ni Jack na mapansin siya dahil sa kanyang mga kakayahan at hindi lang dahil siya ay kapatid ni James Reid.
Dagdag excitement sa pelikula ang pagganap ni Ella Cruz, kasama sina Carlyn Ocampo, Aubrey Caraan, Sam Capulong at Victoria Pilapil.
Palabas na ang Squad Goals sa mga sinehan sa May 9, 2018.
Yasmien tumalon sa Jones Bridge
MATINDI ang buwis buhay scene ni Yasmien Kurdi sa seryeng Hindi Ko Kayang Iwan Ka ng GMA 7.
Mapapanood ngayong Miyerkoles ‘yung eksenang tatalon siya sa Jones Bridge.
Matapang si Yas na ginawa ang eksena. Ipinagmamalaki niya na wala siyang double.
“Nag-offer naman po ng double ang production pero pinili ko na ako na ang gumawa upang mas maging makatotohanan ang eksena,” bulalas ni Yasmien.
“Natuwa naman si Direk Neal dahil napakaganda ng shot at hindi na kailangang pang dayain. Sa gilid naman ay kabang-kaba ang mga production staff dahil nakakalula ang taas ng Jonas Bridge.
Sakto naman na dumaan ang malaking barko habang kinukunan ang eksena na lalo pang nagpaganda,” saad pa ni Yasmien.
Talbog!
Glydel pinapahamak ni Katrina
WALA na talagang makapipigil kay Katrina Halili sa pagiging kontrabida sa kabila ng napakaraming fans ang naiinis sa kanya sa karakter niya bilang si Isabelle sa GMA Afternoon Prime series na The Stepdaughters. Kasama si Daphne (Samantha Lopez) at Froilan (EA Guzman), pagtutulungan ng dalawa na isakatuparan ang isang malagim na trahedya sa buhay ni Luisa (Glydel Mercado).
Kakayanin ba ng konsensiya ni Isabelle (Katrina Halili) na ilagay ang kanyang buntis na stepmother sa kapahamakan para malaglag ang kanyang sanggol na dinadala? To the rescue pa rin ba si Mayumi (Megan Young) sa kanyang ina? Sundan ang mga susunod na eksena sa The Stepdaughters.
Miguel inaabangan ang rebelasyon sa kanyang fitness journey
INAABANGAN ngayon ng BiGuel fans na mag-reveal ng produkto ng kanyang pag-gym ay si Miguel Tanfelix. Ito ang inaasam nila pagkatapos makita ang transformation ng kanyang ka-loveteam na si Bianca Umali after ilang months ng pagpunta sa gym.
Panay kasi ang pag-post nito ng teaser tungkol sa mga activity na ginagawa niya sa loob ng gym. Na-excite ang fans sa nasabing fitness journey ng Kapuso leading man dahil for sure, mas kakikiligan sila ni Bianca. Marami nga ang nagsu-suggest na baka puwede raw ay video-han niya na sabay silang mag-gym at gumawa ng mga routines. For sure, hindi lang sa Kambal, Karibal sila mas kakikiligan. Pagbigyan kaya tayo ng ating bida?