Ara ,kinabog si Cristine!

ara-mina

Buwis-buhay si Ara Mina sa kanyang pinakabagong adventure challenge na makikita sa  kanyang Instagram account.

Kasama ni Ara ang mga kaibigang sina Ynez Veneracion, Melissa Ricks, Jaycee Parker at iba pa, umakyat ng Mt. Pamitian ang grupo.   Ang Mt. Pamitinan ay matatagpuan sa Rodriguez, Rizal.

@therealaramina, “Do the thing you fear to do and keep on doing it..that is the quickest and surest way ever yet discovered to CONQUER FEAR – Dale Carnegie”.

Masisilip sa IG wall ni Ara ang dalawang larawan nya na nakabitin sya sa clip ng mabatong bundok.

Kung tutuusin masyadong mapangahas ang pag-akyat ni Ara sa clip. Makikita sa photo na walang anumang kableng nakasabit sa likod o baywang ng aktres na susuporta sa kanya sa oras na malaglag sya.

Kamay  at paa  lang niya ang kumakapit sa mga uka ng mga bato.

Habang tumatanda si Ara at nagkakaanak, ngayon pa n’ya sinusubukan ang kanyang stamina. Tila naghahamon pa siya ng posibleng ikapapahamak.

Dapat siguro may magpayo kay Ara na ingatan nito ang sarili dahil paslit pa ang kanyang nag-iisang anak na si Amanda at ngayon pa lang nakikilala ang kanyang pastry at resto business.

Ang nakababata nga niyang kapatid na si Cristine Reyes na mas athletic ay  kinabog niya dahil hindi sumubok sa ganitong buwis-buhay na adventure.

Dapat n’yang tandaan, hindi na siya bata at hindi siya bumabata.