Ara nag-quarantine sa Laguna

NI: RODEL FERNANDO

Mabuti na lang nakauwi ng Laguna bago mag-lockdown ang 2013 Miss Universe 3rd runner-up na si Ara Arida. Nagkaroon siya ng panahon sa kanyang pamilya. Naging abala rin kasi siya sa kanyang trabaho.

“Nasa Manila for two days pero nu’ng mag-announce ng lockdown, umuwi ako sa Laguna to help my parents kasi ako runner nila dun. This is also the perfect time to spend time with them especially most of the time nasa Manila talaga ako for work,” pakli niya.

Kahit nasa bahay, gumagawa rin ng paraan si Ara kung paano makatulong sa alam niyang pamamaraan.

“I started organizing and decluttering my things na parang mga high school/college days stuff ko pa. Also, I get to fix my clothes and separate ‘yung mga bibigay ko for donations,” aniya.

“Before nga ako umuwi Laguna, yung mga guard, helper and gardener sa condo, mga hindi na sila nakauwi. So, nag-share ako ng grocery ko sa kanila and I’m giving them also food since ‘yung iba stay-in na sila sa condo during the lockdown,” dagdag niya.

Samantala, sinasaluduhan ng beauty queen ang mga frontliner.

“To all our frontliners, saludo ako sa bawat isa sa inyo. Sa sakripisyo, pagtitiyaga, pagtitiis, pagod na ginagawa nyo para sa ating bayan at mga kababayan.

“Maraming salamat dahil binubuwis nyo ang inyong buhay para sa kapakanan ng bayan. Mabuhay kayong lahat. You are all our heroes. Hayaan nyo at patuloy kami susuporta at mag-aabot ng tulong sa abot ng aming makakaya. You’re always in my prayers. Maraming salamat sa lahat ng ating frontliners.”