Inihahanda na ng Philippine Consulate General sa Saudi Arabia ang pagsampa ng kaso laban sa isang Arabo na kinatawan ng isang recruitment agency na nanghalay sa isang Pinay domestic helper sa Riyadh sa nasabing bansa.
Sinabi ng Philippine Consulate General sa Jeddah na nasa kostudiya na ng mga awtoridad ang suspek batay na rin sa kahilingan ng ConsuÂlate official.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang Pinay overseas Filipino worker (OFW) ay dinala sa isang hotel at doon ginahasa ng Arabo na siya sanang inaasahan na tutulong sa OFW para makaalis sa amo nito.
Subalit minalas ang Pinay na pansamantalang hindi muna binanggit ang pangalan, sa pag-aakala nitong makakatulong ang Arabo sa kanya.
Ayon kay Consul General Edgar Badajos, ang biktima ay limang beses umanong pinagsamantalahan ng nasabing Arabo at nangyari ang panggagahasa nang siya ay dalhin ng suspek sa isang hotel sa halip ay dalhin siya sa bagong employer.