Arado Best Libero sa Thailand

Tinanghal na Best ­Libero si Kathleen Arado kahit kinapos ang Philippine team sa katatapos na 19th Princess Cup Southeast Asian Women’s ­Under-19 Championship sa Sisaket, Thailand.

Hindi nakasampa sa podium ang Filipinas ma­tapos matalo sa Indonesia 12-25, 21-25, 17-25, sa battle for third.

Sa walong kalahok sa event, lumanding lang sa No. 4 ang PHL team na binubuo ng best 19-and-under players sa pangu­nguna ni National U setter Jasmine Nabor.

Pinuri pa rin ni PHL team manager Peter Cayco ang Pinays dahil nakaabot sila sa semifinals at naka­pag-uwi pa ng ­individual award ang University of the East star na si Arado.

“It’s not that bad fi­nishing in the upper half of the standings considering that this is a young team and we have little time to prepare,” ani Cayco.