COMEBACKING actress, hindi na yata babalik sa America dahil nagka-career ulit sa PAR (Philippine Area of Responsibility).

Matagal-tagal din siyang nawala sa local showbizlandia. Inakala ng kokonti niyang fans na hindi na siya mag-a-I SHALL RETURN.

Pero bigla itong dumating at chumikang dito na niya itutuloy ang naunsyami niyang showbiz career.

Maganda pa rin naman siya at sexy pa kaya ang feeling niya, maka­kabalik siya nang bongga at magagamit na niya ang pinag-aralan niyang akting.

Nag-workshop pa siya sa isang kilalang guro na tinuruan daw nito ang mga sikat na artista sa Hollywood.

Ang taray, di ba?! Pero bakit sa isang serye na ka-join siya ay nakailan siyang take?

Kulang na lang eh dagukan siya ni direk at ng assistant nito. Simple ang eksena — yayakapin niya ang isang kontrabida na ikukulong, at magkakaiyakan sila.

Iyung aktor na kaeksena niya, umaatungal na pero siya, nag-iiyak-iyakan lang at walang lumalabas na luha.

Take 10 na, peke pa rin ang akting ni ate eh halos maubusan na ng luha ang aktor na kaeksena niya.

Kinausap siya ng assistant director na isipin niya ‘yung masasakit na nangyari sa kanyang buhay.

Waaaa pa rin!

Hanggang natuyuan na yata ng tubig sa katawan si aktor kaya pinakiusapan ito ni assistant director at tangkang tatampalin na nang biglang tumili si ate sa takot at humagulhol na.

Kinunan na ni direk at lahat ay napabuntong-hininga dahil natapos na ang eksenang inumpisa­han nang tanghali at natapos nang gabi.

Mula noon, pamin­san-minsan na lang siya tinatawagan for taping.

Kung kailangan siya sa eksena, very light lang ang akting niya na oo at hindi na lang ang sinasabi niya o kaya naman ay tumatango na lang.

Nang matapos ang serye, hindi siya tumatak sa mga manonood. Eto kayo, nakalipat siya sa isang TV station na regular pa, take note!

Nangako siyang gaga­lingan na niya ang pag-arte this time pero banung-bano pa rin siya.

Nasaan na ang ginastusan niyang workshop sa Hollywood? From M-W-F taping, naging once a week na lang siya.

Lately, andaming nakakapansin na nagmamaldita na ito.

Bakit?!

Sabi ng kasamahan niya sa serye, “Magaling ba siya?”