‘ARALIN MO MUNA!’

paolo-shy-edgar

ISYU 101 ang video blog ni Mocha Uson kaugnay sa mga hanash niya sa MTRCB, partikular sa Kapamil­ya TV shows na The Better Half (pilot epi­sode noong Pebrero 13) at Ipaglaban Mo (ABUSO episode noong Pebrero 11).

Narito ang reaksyon ng Kapa­milya na si Ogie ­Diaz (manager ni Liza ­Soberano at lumalabas sa mga proyekto ng MTRCB) sa Facebook:

“Sana, MTRCB Chairmanship ang hiningi mo, teh, hindi pagiging board member. Para magawa mo ‘yung gusto mo.

“Ikaw naman. Sa Monday pa pala ang meeting mo, nagsumbong ka na agad sa taum­bayan.

“Sana, tinapos mo muna ang meeting, tapos, pag walang nangyari sa meeting mo sa MTRCB board eh ­saka ka mag-report sa taumbayan.

“Saka ikaw naman. Nalaman ko, hindi ka um-attend ng board meeting para i-explain sa newly appointed board members ang classification and review at ‘yung sinasabi mong SPG, at pag andu’n ka naman, hindi­ ka naman daw vocal sa mga concerns mo, kaya ba’t sa taumbayan mo inilalatag ang hinaing mo, ba’t hindi sa board?

“Alam mo, Mocha. Mas masarap magsumbong kung may sapat kang dahilan at mga hawak na records o ebidensiya ng sinasabi mong malalaswang eksena para mabigyan mo ng chance ang publiko na husgahan ang mga eksena at kung dapat ka nilang ayunan sa ipinaglalaban mo.

“Saka ako ­honestly, naiintindihan ko ang marubdob mong pagnanasa ng pagbabago.

“Pero teh, aralin mo muna ang posisyong pinasok mo, hindi ‘yung sumbong ka na lang nang sumbong sa taumbayan ng mga reklamo mo na akala mo, inaapi ka ng 29 board members.

“I-translate mo ‘yang mga reklamo mo sa pagkilos kung gusto mo ta­laga ng tunay na pagbabago. Ganu’n dapat.

“Ayaw mo ng malalaswang eksena, ‘di ba? Walang problema, teh. Kakampi mo ako diyan sa adhikain mo.

“So papayagan mo ba ang mga pagmumura o cursing sa teleserye basta ‘wag lang malaswa ang mga inaarte ng mga karakter?

“Hihintayin ko ang paliwanag mo ­dito, teh, ha? At ‘pag na-gets ko ang point mo, Mocha, promise, magbi-video ako ­para humingi ng sorry sa ‘yo.”