Araña, Arellano yayari sa Baste

Araña, Arellano yayari sa Baste

Mga laro mamaya: (Filoil Flying V Centre, San Juan)
12 p.m. – CSJL vs CSB
2 p.m. – SBU vs MU
4 p.m. – AU vs SSC

Malamang na magpasiklab muli si Justin Araña ng host Arellano Chiefs pagsalpok sa San Sebastian Stags mamaya sa huling laro ng triple header ng 95th Season ng National Collegiate Athletic Association 2019 men’s basketball tournament first round eliminations sa Filoil ­Flying V Centre, San Juan.

Binuhay ni Araña ang naghihingalong Chiefs sa kinamadang 24 points at 11 rebounds para ­masilat nitong ­Biyernes sa ­nasabing San Juan City venue ang ­Lyceum Pirates, 87-81, at ­nakalsuhan an gang three-game losing streak.

Pero handa siya at nag nasa ikasiyam na Chiefs (2-9) na tapatan ni Allyn Bulanadi ng fifth-running Baste (4-3) sa ala-4 ng hapong duwelo. Tumikada ng career-high 31 markers si Bulanadi nang suwagin ang San Sebastian College ang Perpetual Help Altas ­tatlong araw pa lang ang nakararaan, 107-90.

Magpapang-abot din sa alas-12 ng ­tanghali ang Benille Blazers (5-2)-Letran Knights (­5-3), at sa alas-2 ng hapon ang San Beda Red Lions (8-0)-Mapua Cardinals (3-5). (Aivan Denzel Episcope)