Araña pinagtripan si Kim Chiu

Umabot sa PBA ang viral statement ni Kapamilya actress Kim Chiu tungkol sa classroom at batas.

Sa tweet ni Araña, kanyang pinakita ang kanyang version ng pahayag ni Kim na ginawan na ng spoof at kanta ng iba’t ibang netizen.

“Sa basketball may bata ‘pag sinabi ng coach bawal tumira sa labas, bawal tumira sa labas. Pero ‘pag sinabi, at nag-comply ka sa pinagbabawal. at inayos mo ‘yung follow thru ng tira mo at na shoot mo, ay pwede ka na pala tumira sa labas,” sey ni Araña.

Sa dulo ay sinabi ng longtime Rain or Shine guard na just for fun lang ang kanyang tweet para sa aktres ng ABS-CBN Kapamilya network.

Sumama sa Laban, Kapamilya online rally event sa Facebook noong May 8 ang singer, recording artist, television host at may lahing Chinese.

Inatake niya ang administrasyong (Pangulong Rodrigo) Duterte sa pagsasara noong Mayo 5 ng TV station (channel 2), isang araw pagkatanggap ng “ceast and desist” order mula sa National Telecommunications Commission (NTC) sa pagkapaso ng TV/radio franchise ng mga Lopez. (Raymark Patriarca)